This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
My family and I went away last Friday to visit the wake of my cousin and there, I met my other cousin who was my abuser (let’s call him K). Habang papunta kami nun at nasa sasakyan, my dad said that K will also be there. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga at pawis na pawis ako. I had to keep my composure dahil di ko kayang malaman nila. At one point sa biyahe, tinatawag-tawag ako ng kapatid ko dahil may ipapatingin siya sakin sa phone niya at di niya magawa kasi nagmamaneho siya, wala akong marinig nun kaya siniko niya ako kasi di raw ako kumikibo. Hindi talaga ako makagalaw sa biyahe. Init na init din ako. Kating-kati na ako sabihin sa fam yung totoo pero natatakot pa rin ako for some reason. That K molested my at 10 years old when I was in Grade 5, sampung taon na ang nakakalipas. Ang alam lang kasi nila e yung ninakawan ako ni K ng phone. Yun lang kasi yung sinabi ko noon dahil takot nga akong umamin. Pinipigalan kong maluha sahil baka mahalata nilang may problema. Gusto kong sumigaw pero parang may nakabusal sa bibig ko. Gusto kong magdabog. Gusto kong manakit.
Ang daming tumatakbo sa isip ko. Siguro hindi na mahalagang malaman ng iba yung nangyari kasi may part sa akin na ginusto yon. Siguro sinisisi ko rin yung sarili ko dahil I let it happen then? O siguro nakondisyon lang ako na gustuhin yon. Siguro din ay doon ko maibabaling yung sisi sa hypersexuality ko. Siguro deserve ko rin naman yon. Hindi ko na rin alam, gulong-gulo na ako. Gusto ko na sanang bumaba ng sasakyan at umuwi mag-isa, bahala na silang tatlo pumunta, kahit maglakad pa ako pauwi basta makaalis lang.
Fast forward sa lamay, kabadong-kabado ako. Andun na nga siya. Pakiramdam ko kailangan kong maging nice towards him. Parang mali. Basta we greeted each other, we shook hands and tapped each other’s shoulders. Nag-inom pa kami. Hindi ko rin alam paano ko nagawang maging civil towards him. Siguro dahil matagal ko na siyang napatawad at matagal ko nang natanggap yung nangyari? Idk. O baka hindi ko pa siya napapatawad at feeling ko ay naoobliga pa rin akong patunguhan siya nang maayos? Idk. Ewan, wala na akong alam tanginamo. Isa kang malaking surot sa mundong to hayop ka. Maaksidente ka sana habang nagmomotor. Sana hindi na lang yung pinsan natin ang maagang kinuha kundi ikaw.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...