This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
di naman sa nilalahat, pero tangina talaga netong mahirap na kapitbahay namin.
last week, nanghiram sa amin ng 5k, nagkataon ako yung andito sa bahay. di ko naman nakakausap to dati pero longtime neighbors na namin. tinanong ako, baka daw pwede ko sila pahiramon, kesyo ganito ganyan. Eh makunat ako sorry so sinabi ko nalang na short ako may mga bayarin din ako. Etong si kapitbahay wala man lang sinabi nag walk out nalang parang di nakipag usap or ano.
Now i know lahat tayo at some point dumaan sa financial struggle or na short ang budget, pero tangina naman talaga.
Aga-aga kanina, nagising ako around 10-ish in the morning, lo and behold nag iinuman sila, with matching budots sounds pa. Hindi yung inom na chill ah, yung inom fiesta na may sigawan pa.
Ayun, bumalik sa isip ko yung panghihiram nila last week. If i did lend the amount, paano nila babayaran yun? instead na kumayod para makapag ipon ng budget, ang aga mag happy hour sa bahay. At tricycle driver ka pa, paano ka papasada eh ang peak hours mo umaga? Ano aasahan mo na kita sa gabi eh kung lahat nakauwi na? Di naman ako against sa inuman pero ilugar mo naman, especially alam mong gipit ka.
Anyway, ayun lang. Off my chest.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...