This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
I'm very conflicted recently. Basically, ang daming nangyari this year. Puro problema. Pero ang pinakamabigat ay ang diagnosis ko. Basically, I'm about to go blind. At ngayon, hindi ko na alam ang gagawin. I make a living by being a virtual assistant. Because of this career kaya ako naging financially stable. Kaso tinamaan ng magaling. Ngayon, bawal na ako masyadong nagbababad sa computer in order to preserve my vision.
Which left me with no other choice but change career. And I think my only option is magnegosyo. Iyon lang ang naiisip kong career na hindi kailangan masyadong humarap sa computer/phone.
So there. Back to zero na ako. But hey, at least, I have parents who are willing to fund it. Kaso ang kundisyon nila ay bumalik na ako sa province namin upang doon magnegosyo. So good bye freedom na naman.
Naiiyak ako. This year ko pa naman nirehistro ang freelancing career ko dahil confident na akong stable na. Kaso ayun, wala. Kailangan kong i-give up.
Nagbawas na ako ng client. Bale nagtira lang ng dalawa para may income pa rin ako habang binubuo ang business ko. Heck, di ko pa nga alam kung ano bang business ang gagawin ko. Parang lahat meron na sa lugar namin. May hardware, pharmacy, appliance store, plasticware, damitan. Gadget shops aren't feasible dahil rural place kasi.
Hays. Bahala na.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...