This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Ang hirap maging empath. Madali ko kasing makalap at makuha kung anong nararamdaman ng tao basi sa kilos at salita nila. Kung may mga tao ring nakakakita ng visions sa past at future, opposite sa akin, pero yung kakayahan ko lang ay nakakaramdam at nase-sense yung emotions ng tao. Kapag na-absorbed ko kasi yung nangyayari, hindi ko rin makontrol sarili ko at naging dahilan yun na makapa-trigger sa akin sa dinaranas kong mental at emotional na kondisyon. Alam ko na hindi ako nag-iisa sa mundo, at marami ring mga tao na kagaya ko, pero... I feel lost and alone sa lugar na insensitive. Mahirap tumira sa lugar na ikaw lang na mag-isa na walang nakakaintindi sayo. Hindi rin madaling makahanap ng mabuting tao at ka-wavelength mo kung halos lahat naman ng tao sa paligid mo ay insensitive. Dahil sa nakakalap mong intentions nila at na-absorbed mo rin halos energy nila kaya nakakapagod na sa akin. Kaya yung katulad ko, madalas talaga mabiktima sa mga red flag na mga tao dahil kasi open ako at forgiving, handang makinig unconditionally. Sana may may tao ring handa din i-absorbed yung energy ko pag ako naman yung nasa lowest point ng buhay. Yung hindi mo na sasabihin agad kasi nase-sense rin niya yung nais mong iparating. Yung malakas rin yung intuition niya pag may araw na hindi ako komportable at uneasy ako. Yung initiative pagdating sa emotional support. Pero, sa mundo ng insensitive at walang empathy, para na ring nasa prisohan ako na puno ng ibang mga klaseng kriminal at mahirap i-detect kung sino nga ba sa kanila yung may mabuting intention sa puso.
Tl; dr: The ever-restless mind of being a pisces, infj/infp(?), and highly sensitive person. 🥲
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...