This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Actually honest naman ako sa mga nakakausap ko. I tell my height my weight kahit decimal point pa yan. I am no longer slim pero proud ako kasi hindi na ako nag starve or laxative dependant. I send my photos agad. Pero bakit pag mag aaya na ng meet up, biglang takot na ako sa magiging impression sa akin?
I got rejected to many times before. I know naman din kasi na hindi conventional yung beauty ko. Im confident with my self, got a good skin, maganda fashion statement, and mabango naman. But my face is ugly. Aware ako doon.
Pero sobra na ang insecurity ko kapag manggagaling sa lalaki yung impression or comment.
Dumating pa sa point noon, na kapag inaasar ako sa isang guy magiging defensive ako or will refuse to look at his face kasi ayoko makitang nandidiri sila sa fact na inaasar sila sa akin.
I remember all the faces my guy classmate made when they are being teased to be with me. Nandidiri sila, natatawa sila, at lumalayo sila. I remember how defensive they get. I remember how the one guy I used to like tell me that, "Gusto kita pero pangit ka kasi. Di maganda tingnan pag igi-girlfriend kita." I remember...
Ito siguro mahirap kung ugly duckling ka at ginagawang entertainment yung mukha mo noong highschool. I am saving up para magpa rhinoplasty at maging maganda.
I am also working to fully appeciate my God given face pero di ko maiwasan magtampo kay Lord. Bakit kasi ginawa mo akong pangit?
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...