Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

1
rejected twice
Post Body

Typing while bawling my eyes out lol. Gusto ko lang mag vent. Normal lang naman ang rejection sa job application, alam ko naman yun. Sa tinagal tagal ko ng nag ta-trabaho, ilang rejection na din na-experience ko. Iba lang siguro itong ngayon. I really want this job. Tipong inaabot ako ng magdamag sa pagsagot ng skills assessment nila doing thorough research about the account kasi gusto ko talaga ibigay yung best ko and nakakapasa naman ako at umaabot ng final interview. Yung sa final interview ng unang apply ko, alam kong hindi ganun ka-ok yung binigay kong mga sagot. Aaminin ko na hindi ako ganung kagaling pagdating sa interview, I mean yung comm skills ko. So hindi ako pumasa and natanggap ko naman yun. Then mga 1 week lumipas, nag contact ulit sila sa akin at pinagta-try ako sa ibang account. Natuwa ako kasi they considered me again.

Masasabi ko na mas naghanda ako ngayon syempre kasi alam ko na kung ano yung mga dos and don'ts pagdating sa interview eh and nagpursige talaga ako sa pagpractice. Ganun ulit sa skills asssessment, binigay ko ulit yung best ko. Another research na naman kasi para sa ibang account naman. Maganda yung naging flow ng final interview kasi mas ok kausap ngayon yung hiring manager dahil conversational yung naging interview namin unlike nung una na Q and A and naka off cam pa yung mga kausap ko kaya i was uncomfy din nung una na nakadagdag sa kaba ko.

Tapos yun na nga, natanggap ko email nila today. Hindi na sila mag move forward sa application ko. Nag ask ako ng feedback ng hiring manager, ang sabi lang ng recruiter, positive naman daw feedback sa akin wala nga lang specifics. Nag decide lang daw sila piliin yung ibang candidate. So yun, ang sakit lang ng rejection kasi bukod sa sobrang nag effort ako, inisip ko na baka this time makapasa na ako kasi binigyan nila ulit ako agad ng chance na mag apply. Hindi ko sinasabi na dapat pinasa nila ako dahil sa effort ko lol entitled yarn? eme lang hehe.. Ang gusto ko lang sabihin na nakakasira lang ng loob kasi nakwe-kwestiyon ko yung sarili ko kung ano pa bang kulang sa ginawa ko. Kung positive yung feedback, anong meron yung ibang candidate na wala sa akin?

Kung iisipin, dapat nga grateful pa din ako kasi may plan b naman ako eh. Start ko na din next week sa isang company na hindi ko na sana itutuloy kung pumasa ako dito sa company na gusto ko. Maganda din naman tong company na to. Malaking brand and in-house, onsite nga lang and same lang sila ng offer ni company A. Gustong gusto ko lang talaga si company A kasi bukod sa wfh setup, maganda ang feedback sa kanila ng employees nila na sobrang ok ng management and based on my research din, bet ko din yung principles ng founder ng company. Napaka ganda ng company culture nila based on my reasearch kaya gusto kong makapasok dun. And another thing, sigurado ng non-voice yung magiging account ko. Non-voice lang kasi talaga experience ko sa BPO. Hindi na ako ganun mahihirapan mag adjust kung sakali.

Hayun, marami lang talaga akong pinanghihinayangan about dito. Nanghihinayang din ako sa matitipid ko sana sa wfh setup. I really need to save money din kasi gusto kong bumalik sa therapist ko dahil marami akong issues na need kong i-resolve with the help of a professional. Well, that's a topic for another day. Sorry kung saan saan na nakaabot tong vent/rant post ko hahahahaha... Sige, hanggang dito na lang. Salamat sa pagbabasa.

Author
Account Strength
40%
Account Age
1 year
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
43
Link Karma
27
Comment Karma
16
Profile updated: 4 days ago
Posts updated: 1 year ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
1 year ago