This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Tahimik akong kumakain ng agahan sa cafeteria ng office namin nang biglang may pumasok na pangyayari sa utak ko na work-related. Dahil doon, muntik na ako maluha. Ramdam kong bumubungad na ang mga luha ko, pero pinigilan ko.
Noong isang araw ko pa gusto umiyak talaga. Kaso kailangan ko ipagpaliban ang iyak ko para hindi ako malate sa trabaho. Ang bigat sa pakiramdam na hindi ko nabibigay ang buong kakayanan ko sa trabaho ko ngayon. Pakiramdam ko ang laki ng pagkukulang ko. Madalas marami akong napepending na deliverables kasi minsan ang dami talaga ng gagawin. At bilang bago lang ako sa assignment, marami pa talaga akong kailangan intindihin. Pero iba ang epekto sa akin. Pakiramdam ko nabuburnout na ako. Lumalakas na naman ang udyok ng aking puso na mag-resign na kahit wala pang lilipatan.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...