This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Noong una akala ko hobby hobby lang. Naeenjoy ko iyong ginagawa ko dahil masaya ako, tipong it makes me feel that I'm alive. Kaya pala ngayon ang hilig kong panoorin ang mga paborito kong banda dahil frustrated musician ako.
Una akong namulat sa musika noong bata pa lang ako. Paborito kong banda sina Spongecola, Urbandub, PNE, Cueshe, etc. Nag-piano lessons din ako (pero isang level lang) at kinalaunan ay natutong mag-gitara. At syempre, bilang isang batang gitarista, isa sa mga una kong natutunan ay 'yong tininiw tin tininiw.
Noong HS ay nagkaroon ako ng banda. Wala akong sariling bass at hindi rin ako marunong tumugtog non pero 'yon ang hawak ko. Masaya umapak sa stage. Masaya tumugtog. Naghalong kaba at galak ang nararamdaman ko habang tumutugtog sa entablado.
FF ngayong 30-anyos na ako. Hindi pala ganon kadali piliin ang gusto mo sa buhay. Hindi naman na rin ako naghahangad na magkaroon ulit ng full-time na banda dahil hindi ko kakayanin dahil sa corpo job ko. Pero part-time siguro, baka pwede ko pag-isipan.
Kaya pala ang hilig ko manood ng gigs. Kaya pala natutuwa ako tuwing nakikita ang videos ng mga paborito kong banda. Kaya pala nahuhumalig ako sa mga magagandang gitara.
Kaya pala. Gusto ko ulit tumugtog sa entablado.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...