Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details
9
sAd hOurS
Post Body

So last 2021, gumamit ako (F18) ng bumble because gusto ko lang ng kausap gano’n. I matched with this medstudent (M23) and grabe, super sweet niya & maalaga. Kapag namimiss niya ko, inaaya niya ko lagi pero kasi as a tamad makipagdate, ayon ayoko minsan. One time, nagkaaway kami tapos umaayaw na ko tapos nagulat ako minessage niya ko sa imessage na labas daw ako ganon. Kita ko siya sa labas, pawis na pawis, pumunta ba naman nang naka-bike, from malanday to meycauayan??? may binigay pa siya saking handwritten letter na two pages🤣

On & off kami kasi ang unstable ko talaga, hindi ko alam kung ano gusto ko kaya madalas ako umayaw tapos tatanggapin niya ulit ako. Ganun kami sa buong 6 months :(( Nung birthday ko, alam niyang hindi ako nagcecelebrate kasi nalulungkot talaga ako for no reason, pero nakipag-sabwatan pa siya sa ate ko na i-surprise ako tho nalaman ko kaya hindi natuloy. Inaya na lang niya ko makipagdate tapos siya ang first na lalaki na nagbigay sakin ng bouquet na sunflower na pink ‘yong wrapper kasi alam niyang pink and yellow favorite kong color. Sa mga dates namin, siya lagi nagpaplano kasi alam niyang indecisive ako at puro ako “ikaw bahala”

Until one time, nung may 2022, umayaw na talaga ako for real. Binlock ko siya sa lahat, ayoko siyang makausap, pinipilit niya kong makipagkita kasi gusto niya akong kausapin and may bibigay raw siya. Ayoko pa rin, ayoko na talaga tapos ‘yon pala kinakausap niya na si ate tapos nagmeet sila sa labas para kunin ‘yong pinapabigay sakin. Grabe, nakakainis na ganun pa rin siya kahit sobra ko siyang nasaktan.

Tapos ngayon, masayang-masaya na siya sa bago niyang girlfriend. Hindi ko alam kung manghihinayang ba ko kasi dapat sakin siya ngayon or mapapanatag loob ko kasi alam kong hindi ko rin kaya mga ginagawa ng girlfriend niya sa kanya & sa family niya. It’s just ewan, hindi ko alam. Malapit na birthday ko kaya ko siguro siya naalala ulit.

Minsan talaga narerealize natin kung gaano ka-halaga satin ang isang bagay or isang tao, kapag wala na sila satin. Sakit.

Author
Account Strength
80%
Account Age
1 year
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
6,230
Link Karma
705
Comment Karma
5,525
Profile updated: 3 months ago
Posts updated: 10 months ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
1 year ago