I never had a boyfriend, like puro situationships lang ako because takot ako sa commitment & trust issues ganon. Masaya naman ako sa mga situationships ko, okay naman sila kausap or whatsoever.. ako lang talaga ang may problema. Mga after a month, umaayaw agad ako kahit gusto ko pa sila kasi naiisip ko baka maunahan nila ako, na baka ma-realize nila na boring pala talaga ako or ewan??
Gustong-gusto ko magkaroon ng long-term relationship or kahit magkaroon man lang ako ng boyfriend pero ewan, natatakot ako na baka ako ‘yong magmana ng karma sa panloloko ng daddy ko kay mommy dati. T_____T
Gusto ko rin kasi ‘yong may safe place ako, na nasasabihan ko kung ano ‘yong nangyari sa araw ko, ‘yong may nalalambing after a long day— I always yearn for that. Tapos ang hirap pa makipag-date ngayon kasi h00k up culture na, certified lover girl ako huhu. Wala rin naman ako ma-meet outside social media kasi hindi naman ako gala or mahilig sa gathering.
aaaaaa ewan ko, siguro mamatay na lang ako mag-isa na may RPM, MD sa dulo.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...