This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
January 1, 2022. Casual na umiinom lang ako dito sa kwarto ko. Out of nowhere, bigla kang pumasok sa isip ko. Akala ko okay na ako. Hindi pa pala. Hindi ko na rin napigilan na umiyak. Napaisip ulit ako, ano ba ang maling ginawa ko at nangyari yon? Ano ba ang pagkukulang ko? Sa mga panahong iyon, hindi ko pa pala tanggap sa sarili ko ang mga sinabi mo.
Nang makita ko ang sarili ko sa salamin na umiiyak, napa-isip ako "ang pangit ko pala umiyak", namumugtong mga mata, lumuluha at sinisipon. Sabi ko na lang sa sarili ko noon, huling beses na ito na iiyakan kita.
Makalipas ang isang taon, masaya ako dahil hindi na ulit kita iniyakan. Hindi na ulit kita naiisip. At higit sa lahat, malaki na ang pinagbago ko. Happy new year!
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 years ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...