This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Napagod sa pamamahinga
Sabi nila
'pag napapagod na
manahimik sumadali
at magpahinga.
Huminga ng malalim
Tumingin sa paligid
Tingnan ang magagandang bagay na mayroon ka
Pero 'di ba
Hindi rin laging nakatutulong
kahit na literal na mahiga at magkulong
Sa kwarto mo kung saan ka lagi nagsusumbong
Sa mga unan mo kung saan mo ibinubulong
Ang mga sigaw na ikaw lang ang nakaririnig
Ang mga ingay na ikaw lang ang nabibingi
Ang mga boses na hindi naman pamilyar
Pero bakit ang mga tinig na ito,
parang kilalang kilala nila ang buo mong pagkatao
Alam na alam nila ang kahinaan mo.
Alam na alam nila anong ayaw at gusto mo.
Alam na alam nila ang mga bagay na kayang sumira sayo.
Ang tanong...
Kapag nasira ka...
Sinong bubuo sayo?
Silang "nandiyan palagi para sa'yo"...
Maiintindihan ka kaya nila?
Ang mga bagay na ito
Sadyang lagi nalang nanggugulo
Tigilan nyo na sana ako...
Pagod na pagod na ako...
"Pagod ka na? Magpahinga ka muna..."
Talaga? Paano? Paano kung napagod lang ako... Napagod na ako, sa aking pamamahinga.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 3 years ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/MentalHealt...