Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

6
I thought I was an introvert turns out I'm just socially anxious
Post Flair (click to view more posts with a particular flair)
Post Body

Hi! Like the title said for a very long time I thought I was an introvert until I stumbled upon a video of psych2go that said " you are not introverted you have social anxiety. I watched that video and to my shock it all make sense na, kahit yung mga napanood kung video testimonials it fits me very well.

For context: as a kid I was really outgoing, no filter type of kid. Ako yung tipong kung saan saan umuupo kasi kahit saan pasok ako kasi kahit saan dadaldal ako. Ang parateng comment sakin ng mga teachers ko nun sobrang daldal ko daw kahit saan daw nila ako ilagay nakakahanap daw ako ng paraan para makipag chikahan. Making friends then was not even a challenge for me to be honest wala nga sa isip ko yung takot kumilala ng mga bagong tao. Nadala ko yung pagiging makulit ko hanggang 1st year college or grade 7. Nag bago yun lahat nung tumungtong ako ng Grade 8 nagsimula na ako asarin nun, na bully ako dahil sa Body Odor ko naliligo naman ako nun araw araw bago umalis ng bahay papasok ng school pero mabilis kasi ako pag pawisan at ayun ang lakas ko mangamoy. Na try namin halos lahat nila nanay, kalamansi, tawas Deodorant, Ax body spray pero walang tumalab noon. Dahil dun naging self conscious na ako takot na ako sa maraming tao kasi baka ma amoy at ma judge nila ako. Dun ko nadin napansin na mas pipiliin ko nalang ma upo sa isang sulok at di masyado gumalaw kasi baka pag pawisan ako, di nadin ako masyado nag sasalita nun kasi baka may maoffend ako tapos ang sagot sakin may putok ka naman masaktan pa ako lalo.

Bumaba ng bumaba yung confidence ko, kung dati natural lang sakin gumawa ng kaibigan ngayun bilang nalang mga kaibigan ko. Kung dati kahit saan ako pwede umupo ngayun nasa isang sulok nalang ako. May mga times kung saan natatago ko yung takot ko, sumali ako ng spoken word poetry dati sa school namin, napilit din akong sumali sa Mr. psych nung college. Sa mga pagkakataong ganun natatago ko yung kaba naiaarte ko yung confidence na wala ako. Ngayun napansin ko na 23 na ako parang walang improvement sakin ni di ako makatingin sa mata ng kausap ko ni di ko kayang makipag small talk sa mga kasama ko sa dorm. Pag nasa gym ako parang parate akong nagugulat pag tinatanong, ang awkward ko sa social settings. I really want to change this para pag naka graduate na ako I can act normally na.

Gusto ko sana itanong sa inyo sa mga nakaranas o nakararanas ng social anxiety, how do you manage it? Sa mga dating may anxiety, How did you overcome it? May support groups ba sa mga may social anxiety d2 sa pinas? Ano mga exercises ang ginagawa nyo to overcome social anxiety? MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT NG NAG BASA your inputs will be much appreciated.

Btw, di po ako diagnosed more on self diagnosis lang, pero it really feels kasi na eto na talaga yung dahilan eh, correct me po if I'm wrong.

Author
Account Strength
10%
Account Age
10 months
Verified Email
No
Verified Flair
No
Total Karma
437
Link Karma
25
Comment Karma
412
Profile updated: 5 days ago
Posts updated: 1 day ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
8 months ago