Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

84
Abroad ba talaga ang sagot para maging successful?
Post Body

Ako lang po ba yung medtech na hindi na nangarap mag abroad? Iniisip ko palang po na iiwan ko ang pamilya ko dito sa pinas at mag isa ako sa abroad paranv naiiyak na ako. Pagod na po akong magmedtech dito sa pinas, nasampal na po ako ng realidad ng buhay medtech dito. Currently working sa isang private hosp, and pagod na pagod na ko sa buhay. Isa lang ang natutunan ko, ayaw kong magtrabaho sa hosp na parang wala na kong ibang buhay. Galing po ako sa isang free standing lab for 3 years, and nasanay ako sa 10hrs shift pero alam kong uuwi ako ng gabi. Unlike sa hosp na hindi mo sure kung magsstraight duty ka or what.

Tuwing papasok ako lagi akong inaatake ng anxiety, now na kahit mamaya pang 8pm ang duty ko ay nasusuka na ako sa kaba. Gusto ko pong umasenso sa buhay at mag give back sa magulang ko. And I dont think na pagiging medtech sa pinas ang sagot. Yes, if mag abroad ako malaki ang sahod pero maiiwan ko ang pamilya ko sa pinas, tumatanda na sila and natatakot ako na malayo ako sa kanila kapag kailangan nila ako.

Nagiisip na ko mag-change career, iniisip ko magmed which is gusto ko talaga and supportive naman ang magulang ko and pinaghandaan daw nila yun kaso iniisip ko more years na naman na aasa ako sa magulang ko and tumatanda na sila. Pero magttry pa rin ako mag-NMAT kasi ayaw kong magsisi na wala akong ginawa para subukan kong abutin ang pangarap kong maging doctor.

Change career na ba to? Kaso hindi ko alam san ako magsisimula, isa lang ang alam ko ayaw ko nang maging medtech sa hosp sa pilipinas. Yung feeling na ayaw kong mastuck sa ganung klaseng buhay, yung halos buong araw mo ay nasa lab ka lang at paguwi mo ay matutulog ka lang tapos papasok ka na naman.

Do you have any ideas po, or jobs na pwede kong i-try? Or baka may alam kayo para ma-inspire akong mag abroad.

Comments
[not loaded or deleted]

what's HVA po?

Author
Account Strength
50%
Account Age
2 years
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
60
Link Karma
57
Comment Karma
3
Profile updated: 2 days ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
3 months ago