This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Asking for legal advice in behalf of my sister.
Matagal ng may epilepsy ang brother-in-law ko and kahit naggagamot, paminsan-minsan may mga episodes pa rin ng seizure.
Kagabi, since may fever yung sister ko, yung BIL ko ang lumabas ng bahay para bumili sa bakery. Walking distance lang naman. Habang naghihintay ng turn niya, bigla siyang inatake and napahawak/napasandal siya sa babaeng naunang bumili sa kanya, and nag-panic/nagsisigaw yung babae (normal reaction). May mga barangay tanod sa lugar and nandoon din yung presidente ng homeowners ng lugar na yon (hindi po siya subdivision, more of community ng mga pamilya doon). Pinagbubugbog siya ng mga tanod and presidente ng HO nang walang kalaban-laban, sinakluban pa raw ng gulong (ayon sa mga witness) kase daw lumalaban pa, which I reckon na normal body reaction niya, baka hinahawi pinipigil yung mga nambubugbog.
May nakakilala na mga kapitbahay namin dito and hinatid pauwi, iyak nang iyak yung kapatid ko sa itsura ng asawa niya, and naikwento ng mga tumulong yung nangyari.
Dinala namin sa ospital sa Pateros yung BIL ko. Then kahit may sakit, sumugod yung sister ko sa barangay para magreklamo -- na-identify naman yung mga tanod and humingi ng sorry, pati na rin yung HO president sa lugar na yon.
May grounds po ba para magkaso? Ano po kaya pwedeng maihabol ng sister ko tungkol sa nangyari?
Subreddit
Post Details
- Posted
- 3 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/LawPH/comme...