Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

106
Child abuse
Post Flair (click to view more posts with a particular flair)
Post Body

Nagwowork ako sa retail store as store officer.

May insidente na nangyari na nasira ng students ang glassdoor ng store ( katapat kami ng isang JHS) at mismong barangay hall. Pumunta ako sa school ( bakasyon pero may mga bata na nagpapractice sa school) para kausapin ang teacher nila. Since walang klase ni-radyo lang ng guard sa gate para makausap ko yung teacher ng mga bata para makausap yung magulang since minor ang involved. Nagrequest din ako sa manager ko na i-pareview ang cctv kasi sabi ng isang officer din sa store na “naghaharutan ang mga bata” kaya na-damage ang panel.

Then, pina-blotter ko ang insidente sa barangay for documentation kasi major ang maging damage sa pinto na natangal ang glass panel sa hinge at muntik mabagsak ( hindi nabasag) at muntik ng makadisgrasya. Indicated na na-damage ang pinto ng store at in general na students ng XXX school.

Kinagabihan, pumunta ang nanay ng isang bata ( kids aged 13-14 years old) sa store at nag-kausap kami via phone kasi naka-uwi na ako. Maayos kausap ang nanay na ito at naipaliwanag na mabuti na kaya nagpa-blotter ay for documentation at malinaw na ipinapaliwanag na ang insidente lang ang naka blotter.

Kinabukasan after ng insidente, ipinatawag ako sa barangay para makausap yung 2 pa na parents ng mga bata.

Sa barangay, na-naview namin ang cctv ng insidente na malinaw naman na hindi “naghaharutan ang mga bata” kaya nasira ang pinto kundi isang bata lang amg medyo malakas ang pagkakabukas ng pinto kaya sya natanggal sa hinge. Pero magkakasama silang tatlo sa video.

Sobrang galit ng nanay lalo sakin dahil sa actions ko daw na “pagpapablotter sa anak niya” ay nabully daw ito at sobrang trauma daw ang inabot dahil pinost daw ng iba pang students ( na kasama sa practice) ang nangyari na “binasag daw nila ang pinto” na wala namang nabasag. Nag usap kami sa barangay at ang nanay ay nagsasabing ako daw na nagpablotter sa anak niya ay pwedeng kasuhan nya ng child abuse. Nagkapaliwanagan kami na ako bilang officer sa store ay kailangang i-report ang nangyari dahil may taong muntik ng mapahamak lalo at minor ito. Pero iginigiit nya na dahil sa actions kong “pagpapablotter sa anak nya” ay ganun nga ang resulta.

Walang nabanggit na name ng kahit sino sa blotter at ipinaliwanag din ng mga taga barangay sa kanya na “ ang blotter po niya ( ako) ay in regard sa insidente maam, di po nya pina barangay ang mga anak ninyo”

Nagsorry ako at sinabi kong ginagawa ko lang ang work ko. Pero ayaw nya itong tanggapin dahil “ paano ko daw po maibabalik ang reputasyon ng anak niya” at pwede daw nya akong kasuhan.

Take note din po na wala po akong siningil at sinabi ko na kung sasagutin mg management ang repairs ay wala silang pananagutan samin.

Ano po ba ang pwede kong gawin dito kasi ayaw naman niyang makipag areglo sa barangay. Nakausap ko din ang manager ko tungkol dito at tama naman daw ang ginawa ko na i-report ito sa barangay kasi may involved na minor.

Salamat po sa inyong response.

Author
Account Strength
100%
Account Age
4 years
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
6,635
Link Karma
4,461
Comment Karma
2,020
Profile updated: 3 days ago
Posts updated: 1 month ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
5 months ago