This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Lahat ng parke’t pasyalang nilibot ay iniwanan ko ng masasayang bakas
Binuhay ako ng paglalaro sa mga kalyeng sinuyod ko nang buong lakas
Sa paglundag, pagtakbo, at paghalakhak kasama ng ibang bata ay inubos ang oras
Kamusmusa’y bumaluktot sa pagdatal ng mga trahedya
Madaya ang mundo dahil pinigilan ako nito na lumipad at lumaya
Sinubok ko ang magpumiglas, ilang beses mang padapain dahil sa aking pagtataya
Narito ako ngayon sa aking silid, naghihinagpis, nagbabalik-tanaw
Hinahagkan ang sarili, tumitiklop sa malalakas na alingawngaw
May sayá man sa nakaraan, pilit pa rin akong dinadalaw ng mga munting pagpalahaw
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 years ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/Kwaderno/co...