This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
"OMG!!!!" bulalas ng isang bakla nang makita niya ang campus crush na bumili sa kakumpitensya nilang tindahan.
"Napakalandi mong bata ka!" saway sa kaniya ng kaniyang ina. "Idinamay mo pa ang Diyos sa kabaklaan mo, alam mo bang paglabag iyan sa utos Niya? 'Wag gagamitin ang pangalan ng Diyos sa walang kabuluhang mga bagay!"
"'Oh my gosh' naman ang ibig sabihin no'n, ma," sagot ng bakla.
Binuksan ng bakla ang TV: dalawang pastor na nag-uusap sa channel ng kanilang simbahan.
Sabi ng isa, "masusunog sa impyerno ang mga bakla at tomboy! Iyan ang sinasabi ng Bibliya! Lahat ng mga makasalanan ay pahihirapan nang walang hanggan."
Sumagot ang isa, "maaaring mapunta sa langit ang isang rapist kung tunay siyang magsisisi, pero masusunog sa dagat-dagatang apoy ang mga ni-rape pero hindi marunong magpatawad sa kasalanan ng rapist nila. Iyan ang sabi ng Diyos! Ipinasulat niya iyan sa Bibliya."
Natawa ang bakla.
Sapagkat ang tunay na nagkakasala ay ang mga taong gumagamit sa pangalan ng Diyos sa walang kabuluhan. Inilalagay nila ito sa kanilang mga noo habang sumisigaw ng mga paghatol na kung itatanong sa Diyos ay wala Siyang sangkot at kaisipan; ang sabihing "ito ang kalooban ng Diyos! Ito ang nasa kaniyang kasulatan!" Gayunma'y sa mga ito ay wala Siyang sinabing anuman.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 4 years ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/Kwaderno/co...