This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Five thirty na malapit na ako mag-out, kanina ko pa pinapatugtog yung “Here On Out”
Nasaan ka na? Nandyan ka pa ba sa BSP? Nandito ako sa window, waiting for you so I can see.
Traffic ba sa EDSA? Baka pwede tayo dumaan sa Osmeña. Alam mo naman na pangarap ko maglakad sa Ayala.
Kumusta araw mo, tiring ba? Baka naman pwede natin yan idaan sa malamig na serbesa.
Another chick flick film, skyline ng Makati, with the AC turned on. What do you want for dinner? Gusto mo ba ng Minute Burger with bacon?
Antok ka na tara na sa kama. Kung ayaw mo sa bed okay lang sa sala. Habang magkatabi sa sofa, isa lang ang nasa isip. Yun ay sana lagi kitang makasama.
Umaga nanaman, busog pa ako how about you? Sabi mo sa akin give you a minute or two. Papasok ka sa kwarto para sa isang tawag na pribado. Heto ako sa sulok na naninigurado.
Tara na tanghali na traffic na sa EDSA. Maghapon nanaman kita di makakasama.
Pero okay lang kasi mamaya makikita ka nanaman. Iniisip na sana’y eto’y walang hanggan.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 4 weeks ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/Kwaderno/co...