This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Gusto ko lang ilabas 'to. 26 na ako and I’m in the process of shifting careers. Ang daming pressure, lalo na from family and friends, na parang dapat by now, established na ako. Minsan iniisip ko, "Tama pa ba 'tong ginagawa ko?" kasi parang nauubusan na ako ng oras.
Sa totoo lang, ang hirap din makakita ng mga ka-age ko na ang layo na ng narating, tapos ako, feeling ko parang nagsisimula ulit from scratch. Sobrang dami kong what-ifs—paano kung hindi mag-work out? Paano kung masyado na akong matanda para maghabol? Pero at the same time, ayoko rin naman ma-stuck sa isang bagay na hindi ko gusto habang buhay.
Mas masakit pa lalo kapag nakikita ko yung pamilya ko na nagsa-struggle financially at feeling ko wala akong enough na nagagawa para tulungan sila. Gustuhin ko man, pero minsan parang wala akong maibigay kasi iniipon ko rin para sa sarili kong pangarap. Sobrang guilty lang minsan na habang nagpa-plan ako ng future ko, sila naman dumadaan sa hirap.
Am i doing the right thing?
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 week ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/JobsPhilipp...