This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
First if all, maraming salamat sa mga sumagot at tumulong sa post ko na ito regarding sa switch from SMART Postpaid to Globe Postpaid. Buti at nakinig ako sa inyo lahat.
Plano ko kasi talaga lumipat from SMART Postpaid to GLOBE Postpaid para sa Apple Watch Cellular support dahil wala pang support si SMART nito. Mabilis ako nakakuha ng USC sa SMART sa may Robinsons Place Malolos dahil end of contract ko na din naman sa kanila.
Lumipat ako sa GLOBE Graceland Mall Malolos. Sabi ko magaapply ako ng GLOBE Postpaid. Tapos, hiningi ID ko. Medyo matagal nagusap yung lalaking nagassist sa akin tsaka yung babae. Then, kinausap ako na online daw dapat ang porting. Ang process daw, punta daw ako ng GLOBE website para magrequest ng prepaid SIM kung saan ko ililipat yung number ko then tsaka daw nila ililipat to GLOBE Postpaid. Pumunta yung lalaki sa website then nagfillout ako (USC, OTP, etc.) For delivery na yung SIM card na yun. Tinanong ko pa kung bakit di man lang nageffort yung sa kabila na iprocess yung application ko, mukha ba akong di nagbabayad? Lol
Then, nagtanong tanong ako sa Reddit at dun ko nalaman na di pala ganun dapat ang process.
Pumunta ako ng GLOBE Waltermart Plaridel. Kwinento ko yung nangyari. Sabi nila buti na lang daw naisipan ko daw na lumapit sa kanila kasi kung hindi mapipilitan ako maging GLOBE Prepaid for at max 6 months! Tinulungan nila ako na magapply to Postpaid. Helpful sila. Sabi sa akin, basta wag na gamitin yung dadating na SIM na delivery. Binigyan ako ng eSIM QR once na mawalan na ng signal yung SMART ko.
Mabuti naniwala ako sa kutob ko.
Pabiro kong sinabi na niligtas nila ako. Lol. Mabuti na lang talaga.
Plano ko sana komprontahin at ireklamo yung sa Graceland bukas. Sabi naman nung sa Waltermart, baka daw di sila aware dun sa process which I doubt na di nila alam kasi di ba dapat naorient na sila sa MNP?
Share ko lang ito para wala din maloko. Sana makatulong.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- i.redd.it/7k0x7vonx8cb1....