This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Una sa lahat, namangha ako sa pagkakasulat sa main character. Siya yung typical character na pinakilalang mahina pero tumatag siya at naging malakas sa pagpapatuloy ng kwento.
Nagustuhan ko na ang pinangyarihan ay hindi naka ratay sa modernong panahon mas nakita ko yung kakulangan ng pagasa nila na matalo si Godzilla dahil sa kakulangan ng epektibong materyales.
Syempre si Barney na galit a.k.a Godzilla. Hindi man lang nagsabi na magpapakita pala siya agad sa ng pelikula kaya napanganga ako.
Maganda ang pagkakasulat nila sa kwento. Ito ang totoong Godzilla, mapaminsala, nakakatakot, at isang higanteng delubyo sa sangkatauhan. (Sa US kasi nagmumukhang mabuting nilalang siya dahil na rin sa pakikipag bardagulan niya sa ibang halimaw). Ito ang Godzilla na pelikula na may pake ako sa mga karakter dahil sa may pagsubok silang binibitbit at mapapasubaybay ka talagang makita kung paano nga ba nila pupuksain ang ating Barney na Galit.
Godzilla Minus One’s rating:
“Raawwwrrrrr”
Translation:
10/10
baket kasi gagalet si Barney
Subreddit
Post Details
- Posted
- 7 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/FilmClubPH/...