This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Ang unang double standard moment ko noong bagong kaanib pa ako sa MCGI ay ang pagiging exclusive nito as the only true church. Matatandaan noong mga early 1990s to early 2000s na pinag mamalaki ni Soriano na in-encourage nya pa ang mga members nya na mag suri ng iba't ibang religions at cinicite nya pa yung verse sa bible sa I Juan 4:1:"Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan." Tsaka yung verses ng Mark 9:38 to 40 na sinasabi doon na pwede naman pala may ibang grupo na nag prepreach the same way as MCGI just like panahon ni Jesus who are practicing the same faith as his group pero hindi nya kagrupo.
I still remember that moment noong nag uusap kami ng worker ng aming lokal after ng pasalamat, I asked her:"Sis, may iba pa bang Christian group tayo na kaparehas natin ng aral at parang may alliance with them?" (something to that effect). Aba, ang sagot ba naman sa akin:"tayo lang ang totoo at wala ng ibang pag sama-sama na katulad natin". I was kinda shocked kasi hindi yan yung pinipreach ni Bro. Eli sa TV, as a matter of fact galit na galit sya sa aral ng INC na sila lang ang totoo at maliligtas, yun pala inaaral nya rin pala yun! Double standard!
Mga kapwetid, siguro mas marami pa kayong moments na shock kayo sa double standards dyan. Mas maganda mag share kayo sa thread na ito.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 years ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/ExAndCloset...