This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
So I met this guy sa Bumble 2 weeks ago. He’s 31, an athlete, and a gym instructor/coach. I’m not being OA pero kasi sa pictures ang gwapo na niya, tapos mas gwapo pa in person. He’s giving Diether Ocampo and Joshua Garcia looks. May eyeglasses, maputi, and may dimples. Nag post ako ng story namin sa AlasJuicy, kaso binura ko din. Nung time kasi na tina-type ko yun, para akong nasa cloud 9. Kasi nga first time ko makipag hook-up like yung kaka-match niyo lang that night, tapos nag kemehan na agad. Anw, so eto na nga. After the deed kasi, he asked me if gusto ko mag dinner with him. Pero kasi di ko talaga keri nung araw na yon, bukod sa hang over, parang nabinat ako. Kakagaling ko lang kasi sa sakit nun.
Hindi ko binigay sa kanya yung socmed ko, pero yung kanya binigay niya sakin, pero hindi ko siya fina-follow, kasi para saan? Kaso halos araw-araw tinatanong niya kung free daw ba ako for lunch, dinner, snacks, coffee, kung anu-anong pagyaya na yung ginawa niya sa akin tapos ilang araw bago ako mag-reply sa kanya, ang kulit niya pero di ako pumapayag kasi:
- Kakagaling ko lang sa break-up (3 months na), I’m not looking for something intimate or serious.
- Nahiya ako sa kanya, kasi nga… first time ko yon. So parang di ko na alam kung ano magiging reaction ko pag nagkita kami ulit.
- I’m diagnosed with anembryonic pregnancy, 6 weeks now (sa ex ko) Pero nung kagabi pag check ko sa bumble may missed calls sya, hindi nag notif kasi naka off. Tapos nakita ko typing…
“Hello. You free tonight?” “Sundo kita, dinner tayo pls?”
Wala na talaga ako sa mood lumabas kasi kakauwi ko lang tapos antok and pagod sa work. Pero bigla din kasi akong nakaramdam ng gutom kahit kaka-kain ko lang. so sabi ko sige na nga, papayag na ko para sa dinner 😅
Syempre as a strong independent woman, hindi ako nagpasundo, sabi ko magkita na lang kami sa resto mismo. Ako na pumili kung saan, bahala na daw ako kung ano daw gusto at cravings ko eh. Pagpasok ko sa resto nakita ko agad siya, grabe yung smile niya nung nakita niya ako, yung dimples niya at yung mga mata niya. Bumilis yung tibok ng puso ko, siguro dahil ngayon ko na lang ulit na-feel yung may taong masaya at excited na makita ako. Tumayo siya habang ako naglalakad papalapit sa kanya.
“Finally! Hello!” Sabay bumeso siya sakin.
Hindi ko rin alam pero nung pagka-upo ko bigla na lang ako natawa at napa buntong hininga.
“Bakit mo ko tinatawanan? May dumi ba ko sa mukha? Mabango naman ako ah.”
“Wala. Sorry. Ang weird ba?” Sabay natawa kaming dalawa. Pero sa totoo lang, naalala ko yung nangyari samin. Sayang kasi bakit binura ko pa eh 😅 anw, hindi lang siguro ako makapaniwala na magkikita kami ulit. Wala naman kasi talaga yon sa plano ko.
Habang kumakain kami, puro lang kami kwentuhan. Sobrang random ng topic namin, hanggang sa…
“Uy eto pala maisingit ko lang, naalala mo ba nung nagss*x tayo non, may binanggit kang pangalan?”
Shet. Nagulat ako. Wala akong maalala. So tinanong ko kung anong pangalan para masigurado ko lang na totoo yung sinasabi niya or baka mamaya ine-eme niya lang ako.
“Totoo nga, sabi mo, Sige pa ***** sagad mo.”
Nagulat ako. Hindi dahil sa pangalan ng ex ko kasi inexpect ko na rin na sya nga yung nabanggit ko, nagulat ako kasi bakit ko siya nabanggit nung time na yun at bakit hindi ko maalala. Yes, si recent ex po. So nag sorry ako sa kanya, sabi ko hindi ko talaga maalala yon. Kasi sa totoo lang, never ko naisip nung gabi na yon yung ex ko. Ginawa ko yung bagay na yon for myself and ni hindi nga siya sumagi sa isip ko. Sorry ako nang sorry sa kanya habang natatawa.
“Okay lang wag kang mag sorry, na curious nga ako eh. If comfortable ka mag share, makikinig ako sa kwento mo.”
Sinabi ko lang na naghiwalay kami, di ko na sinabi lahat kasi di naman niya kailangan malaman pero sinabi ko rin sa kanya na nalaman ng ex ko yung nangyari samin kasi nakita niya at nabasa niya sa reddit and I told him na ayun nga, I’m pregnant. Syempre gulat na gulat siya. Tapos nagso-sorry siya sakin. Sabi ko wala naman siyang kasalanan. Ako nga yung dapat mag sorry sa kanya and sa baby ko syempre kasi nabastos ko yung sarili ko at yung baby ko, nadamay lang siya sa mga padalos-dalos na desisyon ko sa buhay. Tapos bigla siyang nagbiro, “Kapag hindi ka niya pinanagutan, willing po ako, nagvo-volunteer na ako.” Syempre tinawanan ko lang siya, alam ko namang biro lang yon. Pero sa isip-isip ko, natutuwa ako na hindi ako nakaramdam ng pandidiri galing sa kanya. Tinatanong pa niya yung check ups ko, kung kamusta daw yung pakiramdam ko, kung ano daw mga nararamdaman ko, kung okay lang daw ba talaga ako, kapag kailangan ko daw ng service one call away lang daw siya, niloko pa niya ako “Baka antukin ako neto kasi shinare mo sakin yang pasta mo. Diba ganon yun pag kinain mo yung food ng buntis?” Sabay nagtawanan lang ulit kami.
Nung pauwi na kami, habang nasa sasakyan kami bigla niya kong tinanong, “Nagkakausap pa kayo ng ex mo?” Sinagot ko naman agad na hindi na. Kasi nagusap naman na kami, sinarado ko na yung kabanata namin sa libro ng buhay ko. Tska sinabihan na rin niya ako na wala na siyang pakelam sakin at sa dinadala ko. Nandidiri pa nga siya sakin kasi may naka sex akong iba.
“Ha? Bakit? Hindi naman na kayo nung may nangyari satin. Tska ang bango bango ko nga eh ang kinis ko pa, anong nakakadiri don” edi nagtawanan na naman kami, napa rant pa tuloy ako ng slight. 😅
“Alam mo, dati nung una kami nagkakilala, tatlo kaming nakaka sex non, may schedule pa yun every week, pero ni minsan hindi ako nandiri sa kanya, ni hindi ko nga siya hinusgahan eh. Kaya ewan ko bakit ganon siya sakin. Kung maka judge kala naman niya hindi niya ginawa dati. Pero wala na kong pakelam. Pagod na ko eh, tapos na ko masaktan.”
“Hayaan mo na lang siya, wag mo na lang pansinin. Pag kailangan ng proxy sa hospital, pwede naman ako, kunwari ako yung tatay. Pag kailangan mo ng kausap at kasama ma’am, nandito lang ako.”
Nakakatuwa lang kasi hindi ko naman inexpect na magkikita ulit kami. Na magkkwentuhan kami ng napaka seryoso. Ni hindi kami nagkwentuhan about sex or any NSFW topic, as in puro random, lovelife, about work, and gym. Ang wholesome lang ng buong paguusap namin na may konting rant. Ngayon na lang ulit ako nakaranas ng ganito. Yung may nakikinig, yung kalmado, yung tumatawa lang, yung magaan. Non-stop yung kwentuhan namin. Hindi ko alam pero sobrang gumaan yung pakiramdam ko. Nakalimutan ko sandali yung mga problema ko.
So ayun, hinatid na niya ako and nagpaalam. Sabi niya magkita daw ulit kami, pag bored ako yayain ko lang daw siya mag karaoke, kahit magsama pa daw ako ng friends ko, G lang daw siya. Ang sarap ko daw kasing kasama, ang sarap ko daw kausap. Aliw na aliw sya sa tawa ko, tapos yung mata ko daw ang ganda. Niloko ko pa siya, sabi ko siguro binobola niya lang ako para makakuha siya ng client sa gym nila haha pero sorry kako kasi hindi pa ko pwede sa ngayon 😂
Ang saya lang nung gabi na yon. Hanggang ngayon nagme-message pa rin siya, kinakamusta ako, pinapaalala yung mga gamot ko. Pero sinabi ko naman sa kanya na hanggang mag-kaibigan lang muna kami. Yun lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya ngayon. Kaya sorry na agad kung hindi ‘to love story. Pero salamat sa pagbabasa hanggang dulo. Hehe 🫶🏻
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 month ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/CasualPH/co...