Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

5
Lalamove Rider
Post Body

Gusto ko lang magrant at the same time magbigay ng awareness. Pangalawang beses na nangyari na ilang oras bago madeliver yung package ko.

Yung unang beses umorder ako ng macaron sa Las Piñas. Alam kong malayo kaya nilagyan ko ng 300 pesos na tip kasi alam kong lugi driver kapag ako lang yung order niya tapos malayo pa (South Caloocan). Sinabihan niya ko na maghihintay lang siya ng order pandagdag umoo naman ako. Kaso 2 oras na yung nakalipas tinawagan ko siya at binabaan niya ko. Hindi rin siya ma reach sa app. Umabot ng panibagong 4 na oras bago siya nagparamdam (nireport ko rin kasi at tinrack na siya ng Lalamove at confirmed na iniignore niya talaga ako) at nagsorry siya. Pagkarating niya sinabi pa sa akin na lugi raw kasi kapag dineliver niya agad yung akin na walang kasabay. Una hindi ko sinabing rush yun at pumayag ako na kumuha siya ng ibang order pero yung 6 hours? Grabe naman. Sa sobrang inis ko hindi ko na siya pinansin. Nakatulong naman na kaltas na agad sa Lalamove wallet ko yung payment kasama pati tip kaya 'di ko na need magtagal. Sobrang shitty ng ginawa niya kasi hindi siya nagparamdam. Alam ko naman struggles ng mga driver kaya willing akong magbigay ng reasonable tip para sa kanila kaso ang bullshit ng ginawa niya.

Pangalawang beses nung magpapadala yung parents ko ng food para sa akin. 9km yung pagitan namin kaya 85 pesos lang yung delivery fee. Nagdagdag ako ng 100 pesos na tip para naman 'di lugi yung rider at the same time umaasa ako na mapapriority yung akin kasi malapit lang din naman yung distansya at nagsabi ako na ideliver agad. 'Di ko inasahan na 3 hours bago nakarating yung order. Halos panis na yung kanin dahil nakababad sa init. Wala rin akong update na narinig sa rider. Hanggang sa dumating siya. 'Di man lang nagsorry. Mali pa yung street kung nasaan siya. Pinaglakad pa ko sa kabilang kanto eh tama yung pin location ko.

Pinapaubos ko na lang talaga yung laman ng wallet ko kaya patuloy ko pang tinatangkilik yang app na yan. Hindi ko na masikmura.

Author
Account Strength
100%
Account Age
4 years
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
3,136
Link Karma
1,431
Comment Karma
1,705
Profile updated: 2 days ago
Posts updated: 11 hours ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
6 months ago