This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
7 Evelyn Paresan at Ihawan sa Balagtas, Bulacan. Katabi lang sya mismo ng munisipyo sa may tulay paglagpas ng Balagtas Town Center.
Unli sabaw and rice. Nakalimutan ko picturean yung menu hehe pero ayan inorder namin Inasal (120 pesos) and Pares Overload (150 pesos). Self service sya so pag gusto mo ng sabaw and rice pupunta ka sa counter para ma refill.
₱70 - Special Mami (No rice) ₱90 - Special Pares ₱100 - Chichabu Pares ₱120 - Liempo Pares ₱150 - Overload Pares ₱220 - Putok batok ₱130 - Liempo ₱120 - Chicken Inasal ₱120 - Hungarian
Masarap yung inasal ang laki pa. Juicy and tama lang pagkaka ihaw yung pares naman madami yung laman nya, dalawa kami naghati tapos di na namin nagalaw yung chicken kasi nga madami yung laman ng pares hehe dumating kami walang katao tao tapos nung nag start na kami kumain tsaka nagdatingan ang daming kumakain.
Tapos ayun umuwi na kami and sabi kasama ko daan muna kami Xentromall sa Malolos kasi titingin daw sya sa ukay. Pagdating namin sarado yung Torogi (ukay) so tumambay na lang kami sa Chaboba kasi andami na palang mga bagong food stalls sa food court ng Xentro mall.
Umorder kami ng Avocado (125 pesos large) and Wintermelon (124 pesos may add on na nata de coco) masarap naman both and 50% lang yung sugar. Kaso sobrang busog ko pa dahil sa pares ngayon naka uwi na ako 1/4 pa lang din nababawas sa milk tea ko kasi busog na busog na ako. Haha sa last picture nabatukan pa ako sa elevator kasi aksayado daw ako eh iinumin ko pa din naman yung milk tea. 😂😂
Ayun lang. skl. Sorry sa magulong food review/reco. 😂😂😂
Subreddit
Post Details
- Posted
- 7 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/gallery/1d9as...