This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Gusto ko po nagtanong tungkol sa situation namin nung nakaraang 2 weeks:
So bale yung 9 year old dog namin, meron syang liver disease, sabi ng vet nagffail na daw. hindi sya kumakain, saka nanghihina sya. yun lang yung signs and symptoms nya 4 days prior namin sya dalhin sa vet clinic, hindi sya nagsusuka nagddiarrhea or what.
so dinala namin sya sa clinic, tapos inadmit sya para daw maobserve. 2 days after, nag inform yung vet samin na nagdiarrhea daw yung aso namin, tapos nakita sa jebs nya na meron syang amoeba. So pinabili kami ng meds nung aso namin.
Bale ito yung concern ko: sa pagkakaalam ko kasi yung amoebiasis, nakukuha sya sa maduming tubig. Yung pinapainom namin kasi sa mga aso namin, purified water galing sa pinag oorderan namin ng drinking water. 2 yung aso namin, parehas sila na hindi nagdiarrhea saka vomiting habang andito sa bahay, so naiisip ko na baka nakuha yung sakit ng aso namin dun sa clinic. Yun nga lang, bukod sa lack of signs and symptoms ng aso namin bago sya maadmit, wala kaming proof.
Yung questions ko: --Justified ba na kami padin yung sumagot sa meds ng aso namin na directed doon sa sakit na yun? --Dapat ba niraise namin yung concern na yun sa vet? Yung nanay ko kasi, naiisip nya na baka lumabas na inaaccuse namin sila so di na kami nagvoice out, lumipat nalang kami ng clinic
Subreddit
Post Details
- Posted
- 11 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/AskPH/comme...