This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. Medyo nakakaiyak pero laban lang. so 2 weeks ago I received an email from one of the companies that I applied for what available date and time ako pwedeng mainterview and nagbigay din ng date kung kailan sila available so namili na lang ako. Then dumating na yung time na tumawag sila, so as usual, I’m confident naman sa sagot ko sa dami na ng interview na naranasan ko and nagpra2ctice naman ako. Then inexplain naman ng HR lahat about sa company nila if okay ba daw sakin etc: Then will send an email if I pass the initial interview.
Then nakareceive ulit ako ng email same day sa kanila if available ako sa call, not sure pero dun sa email parang lalaki talaga yung mag-iinterview sakin pero babae yung tumawag so I replied na, may nareceive na kong call and nainterview from their country. I didn’t receive an email na after replying.
The next day (Thursday), I received an email that I passed the initial interview and they’re inviting me to have a face-to-face interview in their company on Friday. Pinadala lang nila ko ng CV. Then dumating na yung araw ng interview ko by the way it’s around Makati lang, so ayun na nga pagdating ko dun okay naman, ininterview ako ng HR na nakausap ko sa phone then pinatake ako ng napaka habang exam which is normal naman if I’m not mistaken mga 3 exam ata yun. Then ininterview ulit ako ng HR, pati narin ng Senior nila, and as per them okay na daw ako, may training naman daw if ever. On that day I was supposed to have an interview with their director but it happened na busy daw so virtual interview na lang daw gagawin sakin then update na lang daw me. So umuwi na ko 2 hours din yung byahe ko, hindi naman ako umasa muna and accept ko naman kung d ako makakapasa.
Then after 3days dumating na yung Monday, madalas ako iupdate ng HR, gumising ako ng maaga kasi nagbigay sila ng time na iinterviewhin ako kaso hanggang naghapon na wala parin yung link, so nagmsg na yung HR and sabi resched daw muna ng kinabuksan kasi Monday daw busy and may dumating, okay lang naman sakin kasi virtual interview lang naman kahit yun yung pinaka mahaba kong interview.
So next day natuloy na yung interview sakin ng Director nila medyo kabado pero syempre hindi ka papahalata and confident lang, and inask ako kung kailan ako pwede magstart if ever sabi ko any time kahit this week okay lang. So natapos na yung interview, and nag-ask yung HR kamusta interview ko sabi ko medyo nakakaba pero okay naman and mag-uusap daw sila muna, then ayun madalas ako iupdate ng HR and uupdate nya ko ng Friday.
Tapos kinabukasan inupdate ulit ako ng HR nag-usap na daw sila nung ditector so need nalang daw idiscuss sa CEO nila, then pinasesend nya ulit sakin yung CV ko( full details daw) full details naman yun kaso sadyang wala na ko malagay lalo na wala naman akong mga certificate na malalagay and sobrang ayos ng cv ko lalo na hinelp ako ng friend ko na comsci kasi magulo yung dato kong gawa, but then inayos ko parin and sinend, then be ready daw me if ever na magstart na ko next week daw.
And me hindi ko sure kung hired na ba ako pero syempre naeexcite din kasi ito na since January wala na kong work, and makakapagwork na ulit, so dumating na yung friday wala pa update so nagfollow up ako, then sabi waiting pa lang daw sa director. So today Monday nag-update yung HR, and as per her hold daw muna yung hiring sa inapplyan ko since the project is not yet approved daw, thank you for my time and effort daw.
Medyo nafeel bad lang ako pag gising ko ito yung bungad, tanggap ko naman though super naexcite din ako na finally makakawork na and as per my mom and bestfriend na confirmed na daw yan kasi hindi namn daw ako uupdate ng HR madalas kung dpa ko nakapasok, and yung bestfriend ko dating HR. Kaya ito hanap na lang ulit ng job, ang saya ko pa naman sana kasi kahit small company sya nasa IT world talaga sya and daming opportunity sa job 🥺
PS: sorry napahaba gusto ko lang maglabas ng loob and sorry kung medyo magulo 🥺 hanap ulit job kahit nakakapagod na.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 6 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/AntiworkPH/...