Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

3
Sa di na muling pag tulog ng mahimbing
Post Body

Heto ako nakahiga sa malawak na kama, mag isa

Nasa ibayong dako ng mundo, nag aantay ng antok

Nasa ilalim ng makapal na kumot, suot lamang ay pambaba

.

Napapalibutan ng mga unan, sapat sana para sa dalawa

pero heto ako, pinapaligiran nila

Pinatay ko lahat ng ilaw; noon pa man, mahimbing ang pag tulog ko sa madilim na kwarto.

.

Ngunit hindi ngayon. Hindi ngayong gabi, kung kelan ayaw ako dalawin ng antok

kung kelan puno ako ng pag iimbot

Kung kelan, nababalot ako ng takot

Sa kabila ng liwanag ng buwan at ningning ng mga tala sa labas ng aking bintana.

.

Kelan pa ba noong huli akong natulog ng mahimbing?

Kelan pa ba noong huli akong mapayapang nakapikit.

Kelan kaya muli matatahimik ang utak

titigil sa paghahabol sa mga panahong yumao

.

Kelan kaya? Sana bukas na.

Author
Account Strength
90%
Account Age
7 years
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
1,292
Link Karma
98
Comment Karma
1,194
Profile updated: 2 days ago
Posts updated: 7 months ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
5 years ago