This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Tuwing kinukwento niya kung paano siya niligawan ng asawa niya. Kung paano nag tiyaga yung asawa niya kahit sobrang sungit nya at sobrang strict ng parents namin. Kung paano hindi sumuko yung asawa niya para mapa-Oo siya.
Dahil sa pagmamahal niya sa ate ko, nagagawa niyang posible yung mga bagay na impossible. Hindi rin siya naging madamot samin, lalo na sa mga magulang ko. Hindi niya pinagbawalan na tulungan ng ate ko yung mga magulang ko at kaming mga kapatid niya, and nagulat kami nung pati siya, kusang tumulong sa pamilya namin.
Maraming bagay talaga ang nagagawa natin dahil sa pagmamahal. Mga bagay na kahit hindi natin hingin, kusang binibigay.
Kaya nung sabihin sakin ng ate ko na “Huwag kang mag-settle sa taong bare minimum lang ang binibigay. Huwag kang mag-settle sa taong ku-questionin mo pa lahat ng bagay at huwag kang mag-settle sa taong kailangan mo pang hingin bago sayo gawin o ibigay. At ganon ka rin dapat sa kanya. Kung ano at paano mo gustong i-trato ka, maging ganon ka rin dapat.”
HUY! Sorry na. Ganito pala kasi yung feeling. Lagi na lang ako yung nag-aalaga ng ibang tao, ang sarap pala kapag ikaw naman yung inalala at inaalagaan. Sa napaka simpleng paraan, nakakataba na agad ng puso.
Ang consistent rin kasi neto eh. Pero at least hindi na 3am yung pa food trip niya sakin hahahaha
Subreddit
Post Details
- Posted
- 6 days ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- i.redd.it/ta2pgra8qs9e1....