Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

7
Nag Samgyup Mag-Isa
Post Flair (click to view more posts with a particular flair)
Post Body

First of all, I just hope na di ako napicture/videohan at mappost ako sa Tiktok kasi mukhang akong nakakaawa. Honestly, di ko rin maintindihan anong point sa mga ganong posts lalo nang di niyo naman kakilala ang tao and you likely don't have their consent. Anyway.

Kumain ako ng samgyup ng mag-isa today. Sobrang lungkot ko, I feel inconsoleable kahit di ko naman rin alam kung ano exactly nakapagpalungkot sakin ng ganito kalala. Di ko rin alam what else I could do to get rid of this. I live alone in the Metro, taking up my studies, while my family is all the way back in Mindanao. Sa ganitong mga holidays ko talaga naffeel na sobrang lonely ko.

For context, only child lang ako and I come from a difficult family background. I never got along with any of my relatives, including both parents. Nung G10 pa lang ako, pinilit ko na ung nanay ko na ilipat ako sa Manila para mag-aral. I couldn't bear having to live with them back in my hometown kasi sobrang toxic at abusive nila sa isa't isa (physically, emotionally, financially, you name it kinumpleto na nila na parang bingo lang).

Buong buhay ko, I feel that I've done everything alone. Lahat ng hardships ko, achievements, concerns, whatever, nilunok ko yun at hinarap ko mag-isa. I could not trust my family with anything dahil sila rin yung type na mahilig mang-kimkim at sobrang concerned sa "image" nila. Alala ko nung nag-open up ako na sobrang problemado ako kasi nag-away kami nung kaibigan ko nung G5 at di ko kasalanan, pinagsabihan lang akong "mag-ingat" raw ako kasi baka isumbong ako sa office. Di man lang ako pinatapos mag-salita, inassume agad na ako ang mali. Nauna pa ung reputasyon kesa sa feelings nung bata. Nung time din na sobrang walang-wala na ako sa buhay and literal na depressed ako, pinagsabihan lang akong "nag-ddrama" ako at "baliw." Di sila ung type na naniniwala sa mental health at all. When I got ahold of anti-depressants after they sent me to consult a psychiatrist for a SINGLE session, di na nila tinapos ung dosage kasi "nakakahiya" raw at di naman raw ako "ganon ka baliw." Ako na mismo nag insist na wag na bumalik, I figured what's the point na pabayarin sila kung igguilttrip lang naman nila ako habang pumapasok ako don. Kapag may achievements naman ako, wala lang. Cguro nasanay na sila na may academic awards ako, but even back then when I'd receive anything, they were always skeptical na baka may award lang ako porket galing akong private school at kaclose ko ung admins ng school dahil sa after-school program ko doon. Worse, they bring me down in front of my face but froth over having something to brag about on social media. Naguunahan pa sila mag post sa certificates ko. How ironic.

So when I started SHS in Manila, I learned to do everything alone. I did my budget, maintained my place, processed legal documents, traveled, the whole nine yards. Nagawa ko na LAHAT all by myself, without any relatives or help in the area. Kahit pammroblema ng pambayad sa bill, pagkagipit sa pera, at hospitalization, nagawa ko na. Upon the advice of my counselor, she also told me it was best na i-detach sarili ko sa kanila dahil malaking source sila of stress sa buhay ko. Agree naman ako, so it's what I've been doing all this time.

When it comes to holidays like these however, damang dama ko talaga pagka lonely ko. Kada bukas ko ng socmed, puro photos of people having family vacations or gatherings. Lahat ng kaibigan ko preoccupied sa whatever affairs they have with their families. Majority pa sa kanila umuuwi sa probinsya, habang ako naman, nattanungan pa kung bakit di rin raw ako uuwi. Sagot ko, "wala, wala naman akong ikakauwi doon." Wala akong pakialam na nasa abroad sila, nasa siargao, boracay, or whatever. Naiinggit akong may mauuwian sila at mappuntahan for support. Napapaisip rin ako kung gaano ka sarap siguro ng mas nakakatandang kapatid.

I don't think I live a terrible life. Comfortable naman ako kahit papaano, pero grabe, nakakasawa. Minsan ako nalang rin naaawa sa sarili ko. Ang hirap kasi kahit anong gawin ko, parang nararamdaman ko parin na ang empty at lonely ko. May mga kaibigan naman ako and I have a partner as well, but as much as I love them all, I guess sobrang emotionally scarred lang rin talaga ako sa absence of a family buong buhay ko.

Nasakal ako sa condo, di ko kinaya. Naglakad ako mahigit 2 hrs sa MOA para maghanap ng kainina. Edi ayun. Nagsamgyup nalang si accla mag-isa.

Nakakapagod rin maging strong girl...

Author
Account Strength
50%
Account Age
2 years
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
63
Link Karma
38
Comment Karma
25
Profile updated: 3 days ago
Posts updated: 2 weeks ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
3 weeks ago