This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Mahirap pala kapag may namimiss kang tao pero wala kang pwedeng gawin para makasama siya. Hindi mo pwedeng kausapin, tignan, o isipin kasi baka hindi mo macontrol ‘yung sarili mo at puntahan na lang sila bigla. Ang hirap makamiss kapag hindi ka dapat manggulo. Ang hirap makamiss kapag hindi na pwede. Naglaon na ‘yung oras para sa ganitong pakiramdam. Sa puntong ito, dapat nagpapalaya ka na. Sa katotohanan, ito ka, patuloy na nawawala. Hinahanap ‘yung taong pupuno sa espasyo. Espasyo na hindi mo naman sinasadya pero hinulma mo para sa kanya. Huwag mo mamimiss dahil kahit kelan ang espasyo na ‘yon ay hindi na mapupunan. Huwag mo mamimiss dahil hindi mo na dapat guluhin. Huwag mo mamimiss dahil hindi ka na namimiss. Huwag mo mamimiss dahil utang ng loob bigyan mo na ng kapayapaan ang sarili mo at siya rin. Higit sa lahat, huwag mo mamimiss dahil hindi na siya babalik.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/AlasFeels/c...