Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

1,348
ABYG for reporting my tamad na officemate, getting him terminated, and feeling happy about it?
Post Flair (click to view more posts with a particular flair)
Post Body

Ganito kasi yun. Nagtatrabaho ako sa isang BPO company, and recently, tinanggal yung officemate ko na si Mark. At sa totoo lang, masaya ako.

Si Mark, sobrang tamad. Clock in lang siya tapos buong shift natutulog o naglalaro ng Mobile Legends. Pero ang pinaka nakakainis? Ipinagyayabang pa niya sakin!

Sinasabi niya pa na, “Wala naman ‘to, madaming backer ako dito. Basta pasok, relax lang, may sumasalo naman ng trabaho ko”

At oo, ako nga ang sumasalo ng trabaho niya.

Noong una, nagreklamo na ako sa sup at manager namin. Walang nangyari. Yung mga sagot pa nila, parang wala lang: “Hayaan mo na, tulungan lang tayo dito.” Tulungan? Eh parang ako lang naman ang tumutulong!

Tapos ang kapal pa ng mukha ni Mark, sinabi niya sakin: “Kaya ko tong ginagawa kasi di mo naman ako matatanggal eh.” (Literal niyang sinabi ‘yan, as if di niya ako naiirita nang todo.) Kaya, napuno na ako.

Kinuha ko lahat ng ebidensya—screenshots ng pag-ML niya, pictures ng pagtulog niya habang nasa shift, pati timestamps na nagpapakita na trabaho niya, ako ang gumagawa—at diretso akong nag-report sa fraud team at hotline sa US.

Cut to: Natanggal siya.

Ngayon, umiiyak siya sa lahat ng makikinig. Sinasabi niya, “Pinapakain ko yung tatlo kong anak, tapos ganito pa ginawa sakin.” (May tatlo siyang anak, oo.) Pero alam mo kung anong naisip ko? Eh tatlo din trabaho ko dahil sayo!

Masaya ako kasi sa wakas, wala nang tamad na nagpapabigat sakin. Pero eto ngayon, mga officemates ko tinitingnan ako ng masama kasi daw “grabe naman ginawa ko.” Sabi pa ng iba, “May pamilya naman siya, pwede mo naman palagpasin.”

Pero hanggang saan ba ako magpapalampas? Tama bang ako na nga ang nasasaktan sa dami ng trabaho niya, ako pa ang nagiging kontrabida?

ABYG kasi masaya akong natanggal siya kahit may tatlo siyang anak?

Eto yung dahilan kung bakit naisip ko na baka ako nga yung gago:

May tatlo siyang anak na umaasa sa kanya, tapos natanggal siya dahil sakin.

Comments

Dkg. Technically, ikaw magpapalamon sa tatlo niyang anak haha

Author
Account Strength
20%
Account Age
3 months
Verified Email
No
Verified Flair
No
Total Karma
4,369
Link Karma
3,974
Comment Karma
395
Profile updated: 4 days ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
1 month ago