Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

18
ABYG kasi ayaw ko tulungan si papa na kunin yung dismissal order niya?
Post Flair (click to view more posts with a particular flair)
Post Body

Ako (28F), married and has 5 mos old baby pala yung nag post dati about sa ate and father ko na cinut-off ko dahil palaging nang hihingi ng pera sakin.

So yun na nga, medjo naging peaceful yung life ko lately kasi nga di na sila nag cocommunicate sakin kasi na galit nga sila nung di ko sila pinahiram and di ko tinulungan mag bayad sa utang nila na wala naman akong ka alam2. Yung sister ko nga pala is married na and papa ko is my jowa kasi patay na mom ko.

Last week, biglang tumawag papa ko sakin. Ni wala man lang kumusta , direct to the point talaga sinabihan niya ko na pumuntang municipal trial court dahil na hit siya sa NBI, hindi niya ma kuha first salary niya sa new work niya. Wanted pala siya dati dahil sa estafa. I was so shocked na meron pala siya kaso, pero knowing my papa na palaging ng uutang medjo alam ko na why estafa ang case. Na dismissed na daw yung kaso kasi na bayaran na niya dati, di lang na update sa NBI. So ngayon gusto ni papa puntahan ko yung MTC para kunin copy ng dismissal order. Nasa province nga pala siya kaya ako na utosan. Yung MTC is 3 hours away sa bahay ko and I am a working mom nga pala. Medjo madami na akong leave kasi dahil sa mga vaccination and check up2 ng baby ko so sabi ko sa papa ko i cannot go. Sabi ko tatawagan ko nalang yung municipal trial court para malaman yung requirements. Tas ayun sabi ng secretary, mag email daw. After niya mag email, sabi ni sec, di daw pwede e send soft copy, parang yung case number lang ata pwede nila e bigay dapat daw in person daw kunin yung copy ng dismissal order. And also sobrang wala akong alam sa mga kaso2, kaya nung kinausap ko yung sec sa phone, di ko ma gets pinagsasabi niya. Kaya sabi ko kay papa tawagan niya para sila mag usap, e ayaw niya. Di ko rin alam if ayaw niya, ako na daw tumawag.

So ayun na nga gusto niya ako papuntahin na naman sa MTC, ang problem ko lang ay di nako pwede mag leave kasi malapit na matapos contract ko. Baka di na ako e renew kasi madami na ako leave. And also, medjo na hurt talaga ako na di na sila nag communicate sakin tas tatawag lang kasi may kailangan, wala man lang kamusta muna. I feel used. Pwede naman daw ako kumuha dun pero meron pa mga requirements. Sobrang busy ko para asikasohin ko pa yun.

So, ako ba yung gago kasi ayaw ko tulungan papa ko nga makuha dismissal order niya?

Comments

Dkg, bat di nya utusan bago nyang jowa?

Di ka rin naman malapit.

Author
Account Strength
40%
Account Age
9 months
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
258
Link Karma
62
Comment Karma
196
Profile updated: 21 hours ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
1 month ago