This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
This just happened earlier. I heard my mom and my uncle talking about sa cancer ng mom ko and my uncle was a bit mad at my mom kase hindi siya sumama sa kanila sa pagpunta sa Chinese doctor sa kanila sa Manila para lang gumaling si mommy sa cancer niya.
Pinacheck up ko si mommy sa isang clinic and she had 3 biopsies and all 3 lumps are benign naman. So clear si mom ko sa cancer. I told everyone na benign yung 3 lumps na yun but this particular uncle is not convinced at all. Sama nga raw kami sa Chinese doctor sa Manila para daw tuluyan siyang gumaling na. We went there once lang kase hindi comfortable si mommy sa doctor na yun. She tried to explain it dun sa brother niya but siyempre daming say nanaman ni brother sa kanya na hindi siya gagaling and all kung mag iinarte lang si mommy.
This morning lang when yung neighbor namin nagpunta sa bahay telling us about the condition of her tita na stage 4 cancer na gumagaling na kase sa pag punta lang nila sa Chinese doctor na yun sa Manila. Then my uncle called my mom and told her na "kung nakinig ka lang edi gumaling ka narin katulad nun! Tigas ng ulo mo eh! Lalala yan bahala ka!" I approached him and asked if gumaling ba lahat ng karamdaman niya after visiting that Chinese doctor in Manila? He was hesitant to answer at first pero nung inisa isa ko na yung condition niya, lahat hindi gumaling. Then i told him na "walang assurance na lahat ng pumupunta dun is gumagaling. Diba? Want proof? Eto! Exhibit A! (Pointing at him) Tapos na yung appointment and sessions mo sa kanya pero may sakit ka parin, diba? So hindi ka gumaling talaga. Si mommy kase hindi siya comfortable sa doctor na yun so sana respetuhin mo yun. I'm thankful kase kayang pagalingin ng doctor yung tita ng friend mo pero hindi ibig sabihin nun is lahat kaya niyang pagalingin. Natatandaan mo na may nakasabay tayo nun na may cancer narin pero hindi naman napagaling ng doctor na yun? Siguro depende lang talaga sa tao yun. Baka hiyang lang din yung taong yun sa Chinese medicines na nirereseta sa kanya pero hindi lahat tumatalab sa ibang tao." Then umalis na ako kase baka may masabi pa akong hindi maganda sa kanya.
Then tinawag ako ng isang tita ko kase nag sumbong pala tong tito ko na bastos daw ako kase ako pa raw yung galit and hindi ko manlang daw siya nirespeto sa harap ng kaibigan niya. I laughed and asked my tita if galit nga ba ako that time nung nag explain lang naman ako then she said no then sabi niya "hindi lang niya matanggap na tama ka. Imeexpect niya na kakampihan mo siya kaysa mommy mo." Then she told me na hayaan ko nalang. So that's what i did. My mom is old and ako lang naman ang kakampi niya. Kahit sino naman siguro ipagtatanggol ang magulang nila no matter what happens. Pero sa case ng tito ko, hindi ko siya binastos pero inexplain ko lang sa kanya na respetuhin yung decision ng mommy ko sa kung saan siya comfortable and sa hindi comfortable. Siguro may mali rin ako pero i only did that for my mom.
So, ABYG?
Subreddit
Post Details
- Posted
- 7 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/AkoBaYungGa...