This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Kada sahod nagpapadala SO ko sa magulang nya ng 5k. Bale 10k per month. nagresign sya sa trabaho last year at ako muna nagpapadala kasi nagkautang ako sakanya. Nung nagttrabaho pa sya, mas malaki sahod nya sakin pero ako gumagastos halos lahat, kasi ipon nya, padala nya o kung ano pa. Ayoko manghingi kasi magaaway lang, nagsabi akong kailangan ko magtipid pero nagagalit pag di kami lumalabas kaya lumobo yung utang ko.
Ngayon, dalawa na trabaho ko, umaabot na sa 70k per month kinikita ko kaya kahit alam kong bayad na dapat ako sa utang ko sakanya, okay lang na ako muna magpapadala. Hanggang netong January na nalaman ng magulang nya na may relasyon kami, parehas pala kaming babae.
Nagalit yung nanay nya sa rason na babae lang ako pero sabi ng jowa ko wala raw kaso sa ugali sadyang babae lang ako. Sunod nun ang dami nang sinabi ng nanay nya tungkol sakin, wag daw umasa jowa ko sakin.
Tapos nagalit daw sya sakin kasi di ako nag civil service exam at inimpluwensiyahan ko raw anak nya na wag mag take. Hindi raw ako umuuwi samin at bastos daw ako sa magulang ko kahit wala syang alam sa trauma na pinagdaanan ko nung bata ako kaya ako umalis samin. Kausap ko parin magulang ko, di lang muna ako umuuwi para magpagaling ng sarili.
Tanggap naman kami ng tatay nya, masyado lang push over na laging kinakampihan asawa nya pero gets ko yun kasi magasawa sila. Ang issue ko ngayon, ayoko nang magpadala. Tutal issue naman nila e wag umasa sa iba, bakit sila tatanggap at tumatanggap parin ng pera galing sakin?
Ayoko lahat ng mga nabasa kong text galing sakanya, valid yung magalit sya kasi babae ako pero yung makikialam sya sa buhay ko, desisyon ko at nanghusga sya sakin kahit wala syang alam sa history ko, di ko yun matanggap.
Nung December, pinalipat kami ng tatay nya sa bahay nila para makatipid. Nagoffer kami na upahan nalang namin yung 2nd floor ng bahay nila para may income padin sila. Ang laki ng ginastos namin paglipat, yung trip namin dapat sa Baguio na napareserve ko na at nabayaran lahat, kinancel namin dahil sakanya, natuloy kaming dalawa pero syempre yung accomodation at ticket sa bus mas makakamura sana.
Umalis kami sa bahay nila January kasi pinapaalis na kami sa March, ayoko rin sa bahay na yun sa totoo lang. At gumastos nanaman ako ng malaki para sa bayad ng transpo at deposit sa bagong uupahan.
Yung pusa namin, gusto nya rin ipamigay. Isa rin yun sa hindi ko matanggap. Tinawag nya akong ampon kahit di ko pa naman din sure kung totoo yun.
Ayoko lang magpadala na, nagamit ko pa sana yung pera sa ibang bagay. Ang sama ng loob ko kada magttransfer ako sa gcash. Di ko masabi sa jowa ko kasi maghahanap yun ng trabaho, di nya pa kaya magtrabaho. Yung huli nyang work, halos araw araw kami nagaaway dahil sa stress nya, akala ko susuko na ako.
ABYG? Kailangan ko ba tiisin to lahat?
Subreddit
Post Details
- Posted
- 8 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/AkoBaYungGa...