This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Pinagiisipan ko kung magdodorm ba ako or mag-uwian na lang kapag nag-face-to-face review na.
I'm from Paranaque and 'yung review center ko is sa Recto. Iniisip ko kasi 'yung gastos ng family namin e. Sinasabi nila na kaya namin ngayon financially pero baka eventually, mahirapan na kami. In terms of environment naman dito sa bahay, minsan tahimik, minsan magulo pero buti may bagong bukas na coffee shop malapit sa amin kaya baka pwede ko na lang gawing study area rin yun. Medyo comfortable rin kasi sa bahay kasi hindi mo na iisipin masyado kung ano kakainin, susuotin kaso baka in the long run, biglang maging maingay paligid dito sa bahay and hindi na maging conducive for me to study. Baka ngayon, di ko kailangan mag-dorm pero in the future, kailanganin ko na huhu
Also sa mga nagrereview po dati na uwian, how's the experience po? Uwian din naman ako dati nung senior high and 1st and 2nd yr college. Gusto ko rin kasi sanang masanay uli yung katawan ko sa pagod tapos kailangan pa mag-aral kasi if mag-exam naman na, 3 days sunod-sunod yun kaya kailangan ma-train din ako physically and mentally.
Sorry kung walang magandang flow of thought ito hahaha pero pls enlighten me po :< thank you!!
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 years ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/AccountingP...