This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Hello, I am a 27 year old college freshman. Galing ako ng old curriculum and I expected na since may senior high naman eh di na ganon ka childish mga magiging kaklase ko or at least tolerable kasi sobrang dali ko mapikon. Akala ko lang pala.
Everytime mag grogroupings kami, there's this circle of friends na ayaw maghiwalay. Madalas ako ang nagiinitiate gumalaw sa groupings. Syempre gagawa ka ng gc ng group niyo tapos biglang may sasali na hindi mo kagroup kasi gusto lang daw "makipagbonding" like what!? Pretty sure may GC kayong sarili na magkakaibigan bakit need mo pa makiepal sa gc ng reporting? Pag nagtatanong din ako sa main gc ng section namin kung sino ba ung mga ka group ko pag nagrespond yung isa susundan ng mga bestie niya ng (2), (3) ewan ko ba bat naiinis ako sa ganon. For me kasi parang equivalent siya nung mga "Louder" posts na kahit hindi naman dapat ipagsigawan masabing may ipinaglalaban lang.
Earlier this morning I lost my cool sa isa kong kaklase. May reporting kasi kami sa NSTP and 14 kami sa gc. 41 lang kami sa section and hinati kami sa apat na groups by counting 1-4 so dapat isang group lang ung 11 pero pucha 14 kami. Nagchat ako kung sino lang yung sigurado akong kagroup ko kasi natapos ko na ung powerpoint namin and magaasign na ako ng mga parts nila and tinanong ko ung isa kasi natatandaan kong magkatabi sila non pero bakit pareho silang nasa gc namin. Sabi niya di raw sila magkatabi non, ginawa pakong tnga ni gago eh nandun siya sa harap non at siya ung unang nag count off kaya tandang tanda ko kung sino rin yung katabi niya. Then nagreply na ung isa na sabi eh group 2 daw talaga siya, gusto ko ikick sa gc agad sana pero pinigil ko sarili ko kaya nagchat nalang ako ng "magsabi kasi agad". Etong si g*go pinilisopo ako, sabi ba naman "Kala ko magchat" kung ganyan siya sana ka witty sa acads niya papalampasin ko nalang pero hindi eh tahimik pa sa libingan pag natawag sa recitation, maingay lang sa gc . So napikon ako kaya nagchat ako na "Sige mamilosopo kayo kung kasing talino niyo ko". After kong masend yun sa gc parang bumigat ung mukha ko, that was uncalled for pero I can't bring myself to apologize, nagtatalo sa isip ko yung "Deserve niya yon and it feels good diba?" at "Hey sobra ka naman magsalita".
Am I just overthinking things?
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/studentsph/...