Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

199
New era or new error to the educational system?
Post Body

Note: hindi po ako galit sa nagpost ng post na ito sa facebook, i just share it for additional context sa rant ko. Lol. Nainis kase ako sa mga nabasa ko sa comment section na nagjujustify sa type of discipline ng mga teachers from the 90s compare sa ngayon.

I’m from the 90s. As far as I remember, ganon din naman sa generation namin, may mga sumasagot sagot sa teachers, may mga makukulit at sutil sa klase at may mga obob na parents na pinagtatanggol anak. Meron pa nga akong classmate nagdala ng baril.

Ang difference lang naman noon from today, may smartphone na to record the event and may social media na to get sympathy and bring awareness sa public. So end of era na din ng mga teacher na abusive. Noong panahon namin, may extra pass ang mga teacher na saktan, batukan, sampalin, paluin at ipahiya ang mga students. Those type of discipline gave me trauma and I’m not proud of it. Naexperience ko yang pananakit ng teacher just because nilista ako na noisy na echosera kong classmate kahit di naman ako nagiingay. Sinampal ako ng sobrang lakas ng teacher ko and hindi man lang ako pinagbigyan ng pagkakataon mag salita. Meron pa akong teacher na binatukan ako ng malakas kase nagdodoodle ako while listening to his lecture (doodling is my way of retaining info dati mas napapadali yung pakikinig ko kapag may sinusulat or drinodrowing ako) Naexperience ko din na gupitan patilya ko sa harap ng maraming students, nilagyan ako ng poknat ng teacher ko kase di ako nakapag pagupit kahit sinabi ko na sa kanya na walang pera nanay ko at sa isang linggo pa sasahod (maiksi pa hair ko noon at monthly naman ang paggugupit)

May teacher akong di pinirmahan clearance ko and kung ano anong pinagsasabi sa akin just because hindi nya bet yung ilong ko as it resembles daw sa specific na artista na hindi nya bet! Like what the fuck! And it put me to a tough decision na dayain yung signature nya kase sya nalang yung wlag pirma (power tripping much ang gaga) though inamin ko yun sa advisor ko haha buti nalang inis din sa kanya advisor ko kaya tinanggap nya pa din yung clearance ko though pinagsabihan nya naman ako and di ko na inulit yun.

Haba ng sinabi ko no? Daming growing pains. The list goes on pa.

On the other side of the road, may mga teachers din ako na sobrang galing mag turo and hindi nananakit and lahat kami behave sa classes nila. Why? Because those teacher knows what they’re lecturing that every word they say are so riveting. And their personalities, alam mong you are safe under their care. Why do think some students gave presents to their favorite teacher during teachers day? Kase marunong din mag appreciate ang mga bata na tumanaw ng utang na loob. Respect begets respect.

Yung about sa mga pinapasa kahit di naman kapasa pasa aba, si dutertle sisihin nyo! Sya nagmandate nyan at nagpasa ng memo na walang pwede ibagsak ang mga teacher! Panahon namin, kapag bobo ka, maiiwanan ka talaga.

So this aint the issue between the old generation and new generation of students and teachers contrary to the comments of those stupid people on the comment section ng post na ito sa facebook.

Study shows that during adolescence or teenage years may tendency talaga maging rebel ang bawat isa sa atin kase di pa naman ganon kadevelop yung brain ng mga bata during those stages. Mas high ang appetite natin to take risk.

Saka dami mga bobong teacher ngayon, sa totoo lang real talk lang tayo. Yung mga teacher na magagaling nasa ibang bansa na kase ang baba ng kita nila dito. They’re smart enough not to teach here because underpaid ang mga teachers, yung no choice sila kase as a person may mga pangarap din sila for themselves and di sila magpapakaselfless na magtiis sa pinas for the sake na makapag produce ng competitive young adult na mag tthrive sa workforce.

Image
Author
Account Strength
100%
Account Age
4 years
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
2,949
Link Karma
1,752
Comment Karma
1,197
Profile updated: 3 days ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
8 months ago