This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Di pa tayo mayaman, pero at least may nagbago na.
Naalala mo dati? Yung isang lapad na Century Tuna, hinahati ni Mama sa anim. Kailangan kasi umabot yun sa tatlong meals para may tig-isang portion tayo. Si Papa, nagtatrabaho sa kapatid niya, papasok ng maaga at uuwi ng gabi para makisabay doon sa pagkain. Ganun kahirap noon.
Bata ka pa nun, pero ngayon, may trabaho ka na.
Kanina, habang nagbubukas ako ng tuna—yung isang lata kaya ko nang kainin mag-isa sa isang upuan—bigla akong napaisip. Ang dami pala talagang pwede ipagpasalamat.
Di pa tayo mayaman, pero at least may nagbago na.
Love,
Your Present Self
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 week ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/PinoyUnsent...