This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Pansin ko lang na ang dami niyang time sa mga panonood at leisure activities. Okay lang naman, we promote a balanced-life pero yung ang daming nangyayari sa Pinas pero yun yung priority niya? Presidente siya. Bat umaastang high school student na may assignments lang tas gagawin after maghave fun?
Ang pangit ng argument ng tatay ko who is an Ilocano (Ilocano din ako and we live sa Ilocos Norte) na syempre, nagpapahinga lang din siya, na di naman laging nagwowork. Gets ko yun. Pero yung napapadalas at wala man lang akong makitang magandang resolusyon sa mga issue ng bansa ngayon lalo na at lumala ang sitwasyon since siya nanalo, aba, sana naman, maging kritikal tayo.
Kahit sino pang nanalo, Leni, Lacson, Pacquiao, kaLeody o sino pa man, kahit ibinoto natin sila, sana wag tayong maging bulag kung hindi nila ginagawa trabaho nila at inaatupag ang mga ibang bagay. Kating-kati na akong umalis ng bansa. Pero at the same time, parang hirap akong umalis dahil di ko alam kung pwede ko bang iwanan ang mga kapwa ko Pilipino na di kayang gawin yun.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 2 years ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/Philippines...