Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

9
3 years
Post Flair (click to view more posts with a particular flair)
Post Body

hi! first time posting here and long rant kasi naalala ko lang bigla (((okay na ako ngayon XD!))) and apologies in advance sa grammar at hindi kasi ako magaling mag storytelling HAHAHAHAHAHA

anyway !!! i met her noong 2020, peak pandemic. ayun 'yung time na super uso sa twitter 'yung mga subtwts for people na may same interests (stantwt, mctwt, f1twt, etc.) tapos saktong nasa same kami, which is anitwt. nakilala ko siya dahil napasali kami sa iisang gdm (group dm) na ginawa ng isang mutual namin, tapos sa lahat ng members doon, siya 'yung pinaka-naging close ko. i was 14 back then, gullible ganon, walang alam sa mundo, maagang napasabak sa hamon ng pandemya HAHAHA ayun, naging crush siya. 🤣

fast forward to 2021, close pa rin naman kami, palaging magkausap, palaging updated sa isa't isa, pero noon ko lang din narealize na iba na eh, na parang hindi na normal 'yung ganon. ilang beses ko ring brinush off 'yung feelings ko noon kasi 1) hindi pa ako sure sa ano ba talagang label ko (pero sure na sure na ako na hindi talaga ako straight), and 2) palaging ako 'yung takbuhan niya sa tuwing need niya ng relationship advice, kaya sabi ko rin sa sarili ko na what if niloloko ko lang pala sarili ko at ako lang nagiisip ng ganon sa amin, kaya hindi ko 'yun sinabi sa kaniya. pero kalagitnaan ng 2021, i was 15, nung pinost niya ako sa ig story niya and doon ako naging sigurado sa feelings ko for her.

on 2022, medyo nabawasan communication namin pero sa tuwing magkausap naman kami, parang walang days off na hindi kami magkausap. on that same year din, binabalak ko na nga sana mag confess kasi ramdam na ramdam ko na, naaamoy ko na na aamin na rin siya sa'kin one of these days ganon, until may pinost uli siyang lalaki so sabi ko na lang, okay g ano bang magagawa ko diyan. still, may pinaparamdam pa rin talaga eh.

2023, limited contact. nag-first year college na 'ko at siya grade 12 (mas matanda siya sa'kin ng isang taon by age, btw!) so bihira na lang din talaga kibuan. ang plano ko talaga buong taon ay mag move on lang from her kasi alam ko na hindi niya talaga marereciprocate ever 'yung feelings ko kasi palagi siyang may iniintroduce na lalaki sa'kin at takbuhan niya sa tuwing may nangyayaring mali. boring year without her, honestly, pero at that time, medyo confident ako sabihin na 'yung moving on progress ko ay 60% na.

but by 2024, january 1, just minutes past 12 midnight, nag send siya sa'kin bigla ng message na may simulang, "my dearest [my first name]" na puro words of appreciation, gratefulness, and an out of the blue confession. confession na in those 3 years of knowing each other, "minahal" niya raw ako pero hindi lang siya umamin kasi takot daw siya masira kung anong meron kami. akalain mo 'yun, binati ko lang naman siya ng happy new year kasi friends pa rin naman kami pero ang nakuha ko sa kaniya ay confession at closure? 😂 my friends witnessed kung gaano kalakas iniyak ko that day sa video call namin habang walang tigil na pumepreno at nagpapaputok ng fireworkds 'yung buong street namin HAHAHAHAHAHAHA sobrang loser lang! i was 17 that time, literal na parang na-whiplash buong pagkatao ko nung nabasa ko buong message niya. 'yung 60% progress ko sa pagmomove on, instant back to square one dahil lang doon.

tapos ayun, 7 months na since nung araw na 'yun, may bagong jowa na uli siya, 2nd year na ako ngayon, 1st year na siya. 7 months and counting simula nung nag decide ako bawasan contact namin wpara na ron respeto sa kanila ng jowa niya at para na rin maka-move on akong tuluyan. okay naman na ako ngayon, hindi na ako masyadong bitter sa nangyari pero i just wish na medyo makaramdam siya na nilalayuan ko siya para hindi na ako ma-wow mali uli sa kaniya. 😅😅😅

bilis ng 3 years, sa totoo lang, pero parang ang bagal lang din nung kasama ko siya sa loob ng tatlong taon na 'yon.

Duplicate Posts
8 posts with the exact same title by 7 other authors
View Details
Author
Account Strength
70%
Account Age
1 year
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
7,498
Link Karma
486
Comment Karma
7,012
Profile updated: 1 week ago
Posts updated: 2 months ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
3 months ago