Coming soon - Get a detailed view of why an account is flagged as spam!
view details

This post has been de-listed

It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.

18
My life is in shambles *AGAIN*
Post Body

I thought I was in a good place for a very long time. Nakapag-resign ako from an unjustly exhausting job. I found someone I like dito sa Reddit and we're talking almost all day, and he makes me really happy, and I try to do that for him din. Tapos okay na rin kami ng mga kapatid ko, and we have less fights than before. And I love the work I currently have; maganda magpasahod, okay yung coworkers ko, and napakabait ng boss.

Pero just now, HR of my new work called to tell me na need nilang bawasan ang work hours ko (and my salary in turn) dahil kinakapos na sa budget ang company. Now in my mind, naisip ko bakit pa ninyo ako ni-hire several months ago if this is what it would come to? Di naman porke't bago ako sa company at 22 years old lang ako, hindi ko kailangan ng pera. Breadwinner ako ng pamilya namin na may apat na members at isang freeloader.

Speaking of that freeloader, isa rin sa pinaka malaking source ng inis ko buong buhay ko itong stepdad ko na tatay ng mga kapatid ko. Ever since nagsimula akong magtrabaho no'ng 2019, hindi na siya naghanap ng trabaho at inasa na sa akin ang future ng mga anak niya. Don't get me wrong, mahal ko ang mga kapatid ko, dahil nakikita ko sila as kadugo ko, hindi anak ng isang walang kwentang ama. At nagtatrabaho din ako para sa tita ko na nag-alaga sa amin since namatay ang nanay ko dahil mahal na mahal ko yung tita ko. Pero high school pa lang ako, sinusuportahan ko na sila. Yung scholarship ko before sa kanila napupunta dahil literal na wala kaming makain dahil sa katamaran ng tatay nila, at kapag may trabaho naman, wini-withold sa amin ang pera. Buhay binata kasi everytime na madedestino noon sa probinsya.

Hindi na nga ako nagreklamo na nasa kaniya ang pension ng namatay kong nanay na ni piso wala akong nakuha kahit isa ako sa beneficiaries. Siya lang kasi ang nag-asikaso noon, dahil walang ibang pwedeng maglĂĄkad. Tapos ngayon, he's claiming na isa siya sa beneficiaries dahil asawa raw siya when in fact never kinasal ang nanay ko sa kahit na sino, and the documents all point to that. Nawalan na lang ako ng energy na labanan at hinayaan ko na lang siya.

Ngayon naman, nakikitira siya sa bahay ko, at wala siyang ambag kundi humilata maghapon at "mag-renovate" ng kung ano-ano sa bahay na siya lang naman ang nakikinabang. In one of his projects, tinanggal niya yung bintana namin at hanggang ngayon wala pa siyang balak ibalik. Kaya tuloy ako ang napeperwisyo kapag naulan dahil di kaya ng trapal lang kapag malakas ang hangin. Eh sa liit ng bahay kahit saan ko ipwesto ang computer ko na ginagamit ko sa trabaho, mababasâ at mababasâ pa rin. Tapos kada ma-trip-an niya, without regard for me and kung may meeting ba ako that day, basta maisip lang niya, magpupukpok siya ng kung ano-ano. Iibahin pa yung mga ayos ng gamit na hindi naman kaniya at hindi niya ginagamit araw-araw. Tuloy, kami ang nahihirapan mag-adjust kada may bago.

Tas alam nyo nababanas pa ako kasi jusko halos every month ata bumibili ako ng bagong plato saka kutsara tinidor. Paano kakain siya tapos minsan dadalhin niya sa labas tapos di na nakakabalik yung plato. Tapos minsan ilang linggo niyang tinatago yung mga pinagkainan niya, tapos pag naaalala niya ipapahugas niya sa tita ko na di naman niya kaano-ano. Nakakairita na feeling pa rin niya siya ang boss ng bahay. Tapos alam niyang may problema sa bagâ yung mga anak niya, todo pa manigarilyo sa loob ng bahay, tapos di rin marunong makiramdam na kahit lahat kami nakatakip na halos buong mukha, siya todo yosi pa rin. Sa totoo lang minsan pinagdadasal ko sa mga bathala ng mga sinaunang Pilipino na sana pabilisin nilang mabulok ang bagâ nito para matapos na hirap naming lahat.

Kating-kati na akong palayasin siya. Ilang taon na. Estudyante pa lang ako. Hindi lang ako lumalaban at nananatili akong tahimik kasi ayoko ng drama. Ayoko ng away. At di ko rin siya mapaalis dahil tingin ko masyado pang bata ang mga kapatid ko to realize na hindi na nila siya kailangan dahil wala naman na siyang ambag kundi yung titulong tatay nila.

Ewan, matagal na akong nagtitimpi. Siguro na-trigger lang ako ng stress dahil sa balita sa akin ng HR. Di naman ako galit sa company dahil sobrang healthy nila for me at nakikita kong nagke-care talaga sila sa empleyado. Sadyang apektado lang din talaga sila ng pandemic. Kaya kung hindi ko sa kanila maibunton yung lahat ng negative emotions ko, kailangan kong humanap ng iba na deserve mapagbuntunan ng galit at hinanakit sa mundo HAHAHHAHAHA

EDIT: Okay na-realize ko medyo OA yung title ko sorry po HAHAHAHA

Author
Account Strength
80%
Account Age
3 years
Verified Email
Yes
Verified Flair
No
Total Karma
554
Link Karma
203
Comment Karma
293
Profile updated: 1 day ago
Posts updated: 10 months ago

Subreddit

Post Details

We try to extract some basic information from the post title. This is not always successful or accurate, please use your best judgement and compare these values to the post title and body for confirmation.
Posted
3 years ago