This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Nag-order ako sa food panda ng pagkain pero pucha sa halip na sumaya sama pa ng loob napala ko dahil sa bastos at bobong delivery rider. For context, naglalagay ako ng note sa address ko for easy reference ng paghanap ng address ko. Nilalagay something like unang kanto po sa kanan. Emphasis sa kanan. Itong kupal na delivery rider na nasaktuhan ko kani-kanina lang sa maling kanto nagpunta (unang kanto sa kaliwa). Tapos pagdating ko dun, s'ya pa galit.
Rider: San po ba ka'yo? (yung tono n'ya annoyed siguro kasi natagalan ako dumating eh kasalanan ko ba yun samantalang hinanap ko pa s'ya kung saan s'ya nagsuot)
Me: Dun po sa street name
Rider: Sabi unang kanto (inulit n'ya pa ng mga dalawang beses pertaining sa note ko pero ang kupal di naman binasa ng buo yung note).
So, ako, sabi ko sa nainis na ring boses "unang kanto po sa kanan" sabay abot ng bayad tapos talikod. I have a hunch na napahiya s'ya sa sinabi ko kasi nakita ko na binabasa sa phone n'ya yung note ko pero di lang talaga n'ya kinompleto yung pagbabasa. Kainis kasi. Malaki respeto ko sa mga kagaya nila at sa trabaho nila pero yung sa akin s'ya magagalit na para bang kasalanan ko na hindi s'ya marunong magbasa nang maayos, aba hindi naman tama 'yun. Isa pa, respeto rin sana sa mga consumer na nag-avail ng service. Isa pa naman kasi 'tong si FP, walang option na magbigay ng rating dun sa driver. Malagay ko man lang dun 'yung feedback sa ginawa n'ya. Di ko deserved 'yung galit n'ya 'no. Tsaka kung pagod man s'ya, wala pa rin s'yang karapatan na ibunton sa iba 'yung init ng ulo n'ya. Lahat naman tayo nagtatrabaho at napapagod. Bwisit s'ya.
Edit: improved spacing.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 7 months ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/OffMyChestP...