This post has been de-listed
It is no longer included in search results and normal feeds (front page, hot posts, subreddit posts, etc). It remains visible only via the author's post history.
Buong buhay ko parang ang hirap maging masaya, lalo na ung sobrang saya. Ngayon ko lang narealize na ganito na pala ung naiisip ko since elem days. Mas pinipili ko na maging miserable o ung neutral lang ba. Kasi lagi or by sheer coincidence siguro, meron lagi kasunod na hindi magandang pangyayari.
This literally happened to me at its peak nung 2021-2022. Kada buwan, meron sobrang sayang pangyayari at ilang araw lang, meron agad hindi magandang nangyayari.
Mother got hospitalized twice. Sister's soon to be husband literally died in my arms while rushing him to the hospital. Had a motorcycle accident. Had the worst mental breakdowns which led to suicidal thoughts Almost lost my job Mother in law got hospitalized Brother in law got hospitalized Niece almost died at birth Company started becoming so shitty Blew a good job during final interview Almost broke up with my wife
Meron pa ako mga hindi na maalala pero sobrang nakakadrain ng mga taon na yan.
Pero this year, wala pa ganyan. Kaso heto na naman ako, sobrang takot na takot sa mga susunod na mangyayari. Ang saya ngayon sa totoo lang. Ang daming mga pangyayari na talaga naman pinagpapasalamat ko sa Diyos. Kaso hindi ko ba maenjoy ung saya ng mga moments na ito. At the back of my mind, nandun ung takot na temporary na naman ito.
Ayoko na maging ganito. Pero ang hirap. Ang daming pagkakataon na naiinggit ako sa ibang tao na bakit sila kahit ang daming problema, nagagawa pa din nila na maging masaya. I know, they may have their struggles too, pero ung mindset ba na un, gusto ko at sana meron din ako. Nakakapagod na sa totoo lang. Sana magbago na ito soon.
Subreddit
Post Details
- Posted
- 1 year ago
- Reddit URL
- View post on reddit.com
- External URL
- reddit.com/r/MentalHealt...